top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wa’ epek ang Kadiwa Store dahil butas ang bulsa ng mga Pinoy

BULGAR
Nov 20, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 20, 2022


IMBES NA KADIWA STORE, CASH ASSISTANCE ANG IBIGAY SA MAHIHIRAP—Imbes na magpaikot ng Kadiwa store na may mababang presyo ng mga bilihin, ang mainam na gawin ng Marcos administration ay bigyan ng cash assistance ang mahihirap nating kababayan.


Dahil ang problema ay may Kadiwa store nga, pero ang masaklap ay may mahihirap tayong kababayan na hindi pa rin makabili dahil walang pera.


◘◘◘


MAY KADIWA STORE NA, MAY CASH ASSISTANCE PA—Kung ayaw namang alisin ng Marcos administration ang Kadiwa store na nagbebenta ng mas mababang presyo ng mga bilihin, aba’y sabayan kaya nila ito ng tulong-pinansyal para sa poorest of the poor na Pilipinas.


Kapag nagawa ‘yan ng Marcos administration, tiyak na maraming matutuwa at tiyak na walang magugutom na Pinoy dahil may Kadiwa store na, may cash assistance pa.


◘◘◘


HINDI MAGANDA ANG GINAWA NI SARA NA TALIKURAN ANG AUDIENCE DAHIL NASIKATAN LANG NG ARAW—Sa founding anniversary ng Tarlac-DepEd (Dept. of Education) branch, inihinto ni Vice-Pres., DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio ang kanyang speech nang tamaan ng sikat ng araw ang kanyang mukha at pagkaraan ay sinabing hindi siya nakapag-sunblock, sabay talikod at kalauna’y bumalik ng entablado nang nakapaglagay ng sunblock at itinuloy ang speech.


Bilang DepEd sec., hindi ‘yan dapat ginawa ni Sara, hindi magandang tingnan na ang opisyal ng bansa ay tatalikuran ang audience nang hindi pa natatapos ang speech dahil lang wala siyang sun block.


◘◘◘


TODO-SULONG SI SARA SA MANDATORY ROTC, AYAW NAMAN MAARAWAN—

Dapat tigilan na ni VP, DepEd Sec. Sara ang pakikiisa sa pagsusulong ng mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC) sa mga estudyante.


Isa sa mga training na nangyayari sa ROTC ay mabilad sa araw. Isipin mo, salungat si Sara na todo-sulong nito pero ayaw namang maarawan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page