VP Sara, sumulpot sa Senado... “I will be bloodied but unbowed”
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 8, 2026

Photo: Senate PH
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na mananatili siyang matatag sa kabila ng kinahaharap niyang impeachment trial.
Dumating si Duterte sa Senado, bandang alas-12 ng tanghali upang makipagpulong sa kanyang mga abogado na bumubuo sa defense team.
Sa maikling panayam sa media, sinabi ni Duterte na sa gitna ng matinding pag-atake at pagdurusa, masasaktan man siya ay hindi siya magpapasakop o magpapatalo.
“In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed,” wika ni Duterte.
Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang pahayag ang Bise Presidente at hindi rin siya sumagot sa mga tanong ng media.
Bago dumating si Duterte, sa press conference, sinabi ni Atty. Michael Poa, Defense spokesperson, na hindi dadalo ang Bise Presidente sa ikalawang araw ng impeachment trial dahil mayroon pa siyang ibang nakatakdang mga gawain.
“Meron kaming napag-usapan na magkikita kami today dito sa holding room ng defense team para magpaliwanag ang ilang bagay-bagay, but she will not be attending the hearing, the scheduled hearing this afternoon,” dagdag pa niya.
Umalis si Duterte, ala-1:14 ng hapon matapos ang pulong sa kanyang mga abogado.





Comments