top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

VP Leni, tumulong na, binash pa!

BULGAR
Jun 7, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 7, 2022


VP LENI, IMBES NA PASALAMATAN SA PAGTULONG SA MGA BIKTIMA NG PAGSABOG NG BULKAN, BINASH PA–Nang sumabog ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon, kahit pababa na sa puwesto ngayong June 30, 2022 si outgoing Vice-Pres. Leni Robredo ay agad pa rin siyang nagpadala ng tulong sa mga naapektuhan ng Bulusan eruptions.


Ang masaklap, imbes na ipagpasalamat ito ng ilan nating mga kababayan ay binash pa sa social media si VP Leni na kesyo talunan na sa pagka-pangulo at pababa na lang sa puwesto bilang VP ay umiepal pa.


Ganyan ka-bad ang ugali ng ilang netizens sa social media, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


MARAMING TIWALI ANG BINIGYAN NG PUWESTO NI P-DUTERTE SA KANYANG PAMAHALAAN–Pinatawan ng Ombudsman ng anim na buwang suspensiyon si Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica at apat pang opisyal ng ahensiya kaugnay sa kasong graft na isinampa sa kanila sa Office of the Ombudsman.


Kung inyong matatandaan, hindi lang si Belgica sa mga appointee ni P-Duterte ang nasampahan ng kasong graft sa Ombudsman, marami pa at kabilang d’yan ang mga opisyal ng PhilHealth, Bureau of Customs, Department of Health (DOH), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bangko Sentral ng Pilipinas at Procurement Service-Dept. of Budget and Management (PS-DBM).

Patunay ‘yan na maraming tiwali rin ang binigyan ng posisyon ni P-Duterte sa kanyang pamahalaan, period!


◘◘◘


MAY KASONG GRAFT SA OMBUDSMAN, MAGIGING BOSSING NG KAGAWARAN NG PANANALAPI–Kung sinuman ang nagrekomenda kay BSP Governor Benjamin Diokno kay incoming Pres. Bongbong Marcos para maging kalihim ng Department of Finance (DOF) ay sablay ‘yan.


Si Diokno kasi ay may kasong graft sa Ombudsman, sinampahan siya ng grupo ni Stop Corruption Philippines, Inc. (SCOPI) Chairman Ricardo Fulgencio ng kasong katiwalian na may kaugnayan sa P1.75 billion national ID contract noong January 20 2021, tapos sa kabila na sangkot siya sa anomalyang ito, siya pa ang magiging bossing ng DoF, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page