top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

VP aspirant Serapio sa mga pangakong napako para sa bansa: May sumpa ba tayo?

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2022
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | March 21, 2022



Inihayag ni Vice presidential candidate Carlos Serapio na simula 1966, maraming lider na ng bansa ang naghain ng kanilang programa para mapaunlad ang Pilipinas ngunit hindi pa rin aniya ito natutupad.


“Bakit hindi nangyayari, may sumpa ba tayo?" ani Serapio sa vice presidential debates na inorganisa ng Commission on Elections.


“Sa palagay ko po ay wala, kundi dapat lang kilalanin natin ang kapangyarihan na nasa ating mga nakaluklok sa ating kalooban.  Kilalanin natin na mayroong Diyos na siya ang magbibigay ng liwanag sa atin para nang sa gayon malalaman natin paano natin tatahakin ang kinabukasan," dagdag niya.


Ayon kay Serapio, mula 1966 hanggang 1986, nangangarap ang mga Pinoy na mabago ang takbo ng lipunan pero hindi ito nangyari.


Mula 1998 hanggang 2020, sinabi niya na ang 2020 Vision ay naka-set para gawing tiger economy ang bansa. Dahil sa financial crisis, hindi ito nangyari.


Noong 2016, ang AmBisyon 2040 ay layon din ang mas maayos na lipunan, ayon kay Serapio.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page