top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Vloggers, mas malaki pa ang ambag sa pag-promote ng turismo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | July 5, 2023



Pinutol na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nito sa DDB Philippines, ang advertising firm sa likod ng viral video sa kampanyang "Love the Philippines".


Sa isang pahayag, sinabi ng DOT na ito ay pakikiisa sa mga Pilipino na nagpahayag ng kanilang galit at pagkadismaya sa paggamit ng hindi orihinal o stock footage sa audio-visual presentation (AVP).


Kaugnay nito, humingi ng paumanhin sa publiko ang advertising firm noong Linggo, at sinabing inako nito ang buong responsibilidad para sa mga hindi orihinal na materyales na ginamit sa kampanya na ngayon ay deleted na.


Samantala, sa pagbanggit sa mga terms ng kanilang kontrata sa tourism branding campaign, sinabi ng DOT na ang mga materyal na ginawa ng nanalong bidder ay dapat na orihinal at naaayon sa mga adbokasiya nito.


Bukod dito, may karapatan ang departamento na baguhin, suspendihin, o ihinto pansamantala o permanenteng ipagpatuloy ang kontrata anumang oras sakaling isipin na walang kakayahan ang kumpanya sa proyekto.


Binigyang-diin ng DOT na walang bayad ang ginawa sa DDB sa ilalim ng kontrata ng tourism branding campaign.


Sa pangyayaring ito, napakalaking kahihiyan para sa Pilipinas ang nangyaring kapalpakan sa advertising campaign ng DOT.


Ang masaklap pa, nasayang lang ang P49 milyon na ginamit para sa kampanyang ito dahil palpak ang kinuhang contractor.


Sa totoo lang, sana ay kumuha na lang ng mga local artists, dahil maraming talented na independent contractors at freelance videographer ang kayang makipagsabayan sa mga malalaking agencies.


Kung tutuusin ay mas malaki pa nga ang ambag ng mga YouTube vloggers sa pag-promote ng turismo ng Pilipinas.


Kaya naman, hiling natin na sana ay makabawi ang DOT sa kahihiyang idinulot nila sa bansa.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page