top of page
Search
BULGAR

Vitamin D3, oks na panlaban sa depresyon at pampalakas ng immune system

ni Mabel G. Vieron - OJT @Life & Style | April 30, 2023




Ang Vitamin D3 ay mahalaga dahil ito ang nagpapalakas ng ating katawan at sumusuporta sa ating mental well-being. Maaari tayong makakuha ng naturang bitamina mula sa mga talaba, salmon, tuna, baboy, gatas, yogurt, orange juice at cereal.


Maaari ka ring makakuha nito sa pamamagitan lamang ng paglabas — ang iyong katawan ay nagde-develop ng bitamina na ito kapag ang iyong balat ay nasikatan ng araw.


Ayon kay Taylor Moree, registered dietician, ang Vitamin D3 ay maraming epekto sa ating physical at mental health. Tinutulungan ng Vitamin D3 ang ating katawan na makakuha ng calcium at phosphorus na parehong nakakatulong para sa ating mga buto.


Kung walang sapat na Vitamin D3, hindi ka umano makakakuha ng sapat na calcium upang mapanatili ang density ng buto. Gayundin, ang kakulangan ng Vitamin D3 ay maaaring humantong sa rickets, isang kondisyon na nagiging sanhi ng panghihina at paglambot ng buto ng mga bata.


Ang mababang level ng Vitamin D3 sa katawan ay maaari ring humantong sa pagkakaroon ng depresyon. Batay sa pananaliksik, inirerekomenda na mag-take ng mga supplement na mayroong Vitamin D3 na makakatulong sa mga taong nakakaranas ng depresyon.

Noong 2019, sinuri ang 948 kalahok na nagkaroon ng depresyon at napag-alaman na ang Vitamin D3 ay may katamtamang epekto sa pagbabawas ng mga sintomas ng depresyon.


Gayunman, ang mga resulta mula sa ibang pag-aaral tungkol sa Vitamin D3 at depression ay halu-halo, may ilang pananaliksik na nagmumungkahi na ang Vitamin D3 ay ‘di gaanong nakakatulong upang mapabuti ang sintomas ng mga may depresyon.


Ang pananaliksik sa hinaharap ay maaaring makatulong sa pagbibigay-linaw sa pagitan ng Vitamin D3 at ang mga benepisyo nito.


Marami pang pananaliksik ang kailangan, ngunit ang pag-inom ng supplement na mayroong Vitamin D3, maaari itong maging proteksyon sa panahon ng trangkaso at iba pang sakit.


Ito rin ay maaaring maging bahagi ng autoimmune disease, isang kondisyon kung saan ang iyong immune system ay nagiging sobrang aktibo at inaatake ang iyong katawan.


Kung patuloy ang kakulungan natin sa Vitamin D3, maaari tayong makakuha ng iba’t ibang sakit. Ayon sa mga eksperto, narito ang mga naturang sakit;

  • Multiple sclerosis

  • Lupus

  • Rheumatoid arthritis

  • Diabetes

  • Sakit sa bituka


Sa kabilang banda, ang mga supplement na mayroong Vitamin D3 ay maaaring makatulong na mapababa ang tsansang makakuha ng mga sakit na ito.


Batay sa ilang mananaliksik, ang kakulangan ng Vitamin D3 ay maaaring humantong sa kanser. At ayon naman sa ibang eksperto, mas mataas ang tsansa na mamatay ang isang tao sa kanser kung may mataas na level ng Vitamin D3.


Gayunman, natuklasan ng mga eksperto na ang magkasalungat na ebidensya sa kung gaano karaming Vitamin D3 ang maaaring makaimpluwensya sa kanser. Kaya ang karagdagang pananaliksik ay maaaring magbunga ng panibagong pananaw.


Ang Vitamin D3 ay mahalaga para sa ating mga buto, immune system, at kalusugan.


Maraming tao ang hindi nakakakuha ng sapat na bitamina, ngunit madali kang makakagawa ng mga hakbang upang mapalakas ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng kaunting sikat ng araw.


Kung sa tingin mo ay hindi ka nakakakuha ng sapat na bitamina mula sa alinman, maaari mo ring tanungin ang iyong doktor kung ano’ng supplement na mayroong Vitamin D3 na makakatulong sa iyo.


Kaya mga ka-BULGAR, maging wais pa rin tayo sa pag-take ng mga supplement, okie?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page