Visual artist, naghain ng reklamong perjury laban sa negosyante

ni Mylene Alfonso @News | November 12, 2026

Photo: Kristine Soguilon - IG
Naghain ng mga reklamong perjury sa Marikina City Prosecutor’s Office ang international visual artist at Philippine Navy Goodwill Ambassador for Culture and Arts na si Kristine Soguilon-Lim, kasama ang kanyang business partner na si Ma. Faye Manzon, laban kay Elpidio Mijares Jugalbot III at iba pang indibidwal.
Ayon sa kanilang abogado na si Atty. Hazel Chinjen-Luna, nag-ugat ang mga reklamo sa umano’y maling akusasyon at online campaign laban sa dalawa matapos nilang bawiin ang kanilang mga pamumuhunan sa isa sa mga negosyo ni Jugalbot.
Dagdag ang mga reklamong perjury sa nauna nang mga reklamong may kaugnayan sa umano’y paglabag sa Mental Health Act, Safe Spaces Act, unjust vexation at cyber libel.





Comments