top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Visa-free sa Canada, good news sa mga Pinoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 9, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | June 09, 2023



Nakabilang ang Pilipinas mula sa 13 mga bansa sa pinalawak na visa-free travel program ng Canada.

Ayon kay Sean Fraser, Minister for Immigration, Refugees and Citizenship, ang mga visitors o tourists na may hawak na Canadian visa sa nakalipas na 10 taon o kasalukuyang mayroong valid United States non-immigrant visa ay maaari nang bumisita for pleasure man o business sa pamamagitan ng pag-apply para sa electronic travel authorization (eTA) sa halip na visa kung maglalakbay patungong Canada by air.

Maliban sa ‘Pinas, ang iba pang mga bansang nakasama sa visa-free travel program ng Canada ay Antigua at Barbuda, Argentina, Costa Rica, Morocco, Panama, Saint Kitts and Nevis, Saint Lucia, Saint Vincent and the Grenadines, Seychelles, Thailand, Trinidad and Tobago, at Uruguay.

Ayon sa Canadian Embassy, gagawing mas mabilis, mas madali at mas abot-kaya ang visa-free air travel para sa libu-libong nais at kilalang travelers mula sa Pilipinas na bibisita sa Canada nang hanggang 6 na buwan maging para sa business o pleasure.

Samantala, para makapag-apply sa eTA, kailangan lamang ng travelers ng isang valid passport, isang credit card, email address at access sa internet.

Malaking ginhawa ang ginawang ito ng Canada para sa ating bansa. Biruin mo mapapadali na ang mas maraming paglalakbay, gaganda ang turismo at negosyo sa pagitan ng dalawang bansa, at makakatulong pa na palakasin ang people-to-people at cultural ties.

Magandang pagkakataon din ito para sa atin dahil isang indikasyon lamang ito ng lumalagong samahan at pagkakaibigan ng Canada at Pilipinas.

Patuloy sana ang nabubuong pagtitiwala ng dalawang bansa sa isa’t isa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page