top of page
Search
  • BULGAR

Virtual fans ng PBA, dumarami, 250 kada araw ang tinatanggap

ni VA - @Sports | October 15, 2020




Mula sa orihinal na planong sa Lunes-Oktubre 19, napaaga at sisimulan na mismo ngayong araw na ito ang pagkakaroon ng maraming bilang ng mga "virtual fans" para sa 2020 PBA Philippine Cup restart .


Maraming fans ang tumawag at nagsasabing gusto nila manood ng games as virtual fans,” ayon kay Commissioner Willie Marcial sa panayam dito sa PBA.ph.


Sa trial lamang sana dapat nakalaan ang unang linggo ng PBA bubble, pero hindi kayang hindian ng pamunuan ng liga ang kahilingan ng kanilang libu-libong mga tagasubaybay sa iba't ibang panig ng bansa at ng buong mundo.


Kagabi habang isinasalang na sa limbagan ang pahinang ito ay inanunsiyo na ng liga sa kanilang social media account ang balitang ito maging ang paraan kung paano maaaring mapasama sa mga nasabing virtual audiences.


Sa kanilang post, nakasaad kung paano magparehistro at kapag nakarehistro na ay saka nila bibigyan ng kaukulang instructions kung ano ang dapat gawin.


At dahil sa dami ng gustong mapabilang sa virtual audiences, gagawin itong "first-come, first-served basis".


Sang-ayon sa broadcast partner ng liga na TV5, may 250 fans ang maaaring ma-accomodate kada laro.


Nakatakdang magsagupa ngayong araw na ito sa double header ang NorthPort at Phoenix ganap na 4:00 ng hapon at ang tapatan ng Barangay Ginebra at Blackwater ganap na 6:45 ng gabi.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page