Virgin coconut oil laban sa COVID-19, “promising” ang resulta
- BULGAR

- Jul 22, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 22, 2020

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), ang paggamit ng virgin coconut oil (VCO) bilang panggamot sa mga COVID-19 patients na may mild symptoms ay nagpakita ng promising results.
Saad ni DOST Secretary Fortunato de la Peña, nagsagawa sila ng trials upang malaman kung epektibong panggamot ang virgin coconut oil laban sa Covid-19.
Aniya, "Ongoing po ang trials. 'Yung sa PGH (Philippine General Hospital) ngayon ay hindi pa nag-uumpisa, pero ‘yung sa Sta. Rosa, ongoing bagama’t madalang pa rin ang dating ng pasyente kasi ito ‘yung mga mild cases. Pero ‘yung karamihan nu’ng mga inumpisahang bigyan ng VCO doon ay nakauwi na, kasi nga mga mild cases sila.”
Nilinaw naman ni De la Peña na kailangan pa rin ang kooperasyon upang magkaroon ng
comprehensive conclusion sa bisa nito. Ngunit aniya ay magandang indikasyon na ang paggalin ng ilang pasyente dahil sa VCO.
Lahad pa niya, "Kasi ang methodology doon sa ating trial sa Sta. Rosa, sila ay 28 days bibigyan ng VCO sa tatlong meals nila at kailangan susukatin ang kondisyon nila from day zero, as they enter or as they participate, day 14, and day 28."





Comments