Search
  • BULGAR

Vince Carter, magreretiro na sa kaniyang NBA career

ni Thea Janica Teh | June 26, 2020




Tuluyan ng tinapos ni Vince Carter ang kaniyang NBA career matapos nitong ianunsiyo ang kaniyang pagreretiro.


“I’m officially done playing basketball professionally,” sabi ni Carter matapos ang record na 22 season sa NBA.


Huling naglaro si Carter noong March 11 (March 12, Manila time) bago suspindehin ang league dahil sa COVID-19 pandemic. Siya ay kabilang sa Atlanta Hawks at huli nitong nakalaban ang New York Knicks. Tinapos ni Carter ang laro sa isang 3 point shot matapos i-assist ni Trae Young.


Sa kaniyang basketball career, mas nakilala si Carter noong kabilang pa siya sa Toronto Raptors. Pinangunahan niya ang Canadian squad sa first-ever franchise playoff appearance sa rookie season noong 1998.


Bukod pa rito, nakilala rin siya bilang high-flying at entertaining dunker. Nanalo rin siya sa Slam Dunk Contest noong 2000. Hindi lang ‘yan, siya lang din ang NBA player na nakapaglaro sa apat na magkakaibang dekada ng NBA.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.