International hot air balloon fest ng Vietnam layong mapalakas ang turismo pagkatapos ng pandemya
- BULGAR

- Feb 21, 2022
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | February 21, 2022

Nakatakdang magdaos ng International Hot Air Balloon Festival sa northern mountainous province ng Tuyên Quang sa Vietnam.
Layon ng event na ito na i-introduce sa mga foreign at domestic tourists ang ganda ng lugar at makabuo ng momentum para sa recovery ng turismo sa bansa pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
Bilang preparasyon sa naturang festival, ang Ballooning Media – isang kompanyang nag-organisa ng mga katulad ba event sa Thailand, Malaysia, Taiwan (China), at the Netherlands – ay nagsagawa na ng test flights ng hot air balloons sa Nguyễn Tất Thành Square sa Tuyên Quang City, at sa stadium sa Nà Tông Village sa Lâm Bình District.








Comments