Videoke, bawal sa oras ng online class- PNP
- BULGAR

- Oct 6, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | October 6, 2020

Inirerekomenda ng Philippine National Police (PNP) sa mga opisyal ng barangay na ipagbawal ang operasyon ng videoke machine sa oras ng online class upang hindi maistorbo ang mga estudyante.
Ang ordinansa na pagbabawal ng videoke pagtapos ng 10:00 ng gabi ay ipinapatupad na sa Maynila, ngunit mas palalawigin pa ito upang masama ang oras ng klase.
Ayon kay PNP Chief General Camilo Pancratius Cascolan, hihilingin na umano nito sa mga barangay officials na magpatupad ng ganitong ordinansa. Makikipagtulungan din umano ang PNP sa mga local government units at barangay.
Nagsimula na nitong Lunes, Oktubre 5, ang online class ng mga estudyante. Ito ang naisip na paraan ng Department of Education upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa panahon ng pandemya.








Comments