top of page

Video scandal daw nila nina Gil, Aaron at Nikko, kumalat… “RELAX LANG KAYO D’YAN” — RON ANGELES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 minutes ago
  • 2 min read

ni Lucille Galon @Showbiz Special | March 3, 2026



SPECIAL ARTICLE - “RELAX LANG KAYO D’YAN” - RON ANGELES_IG _ronangeles

Photo: IG _ronangeles



Usap-usapan sa social media ang umugong na chika tungkol sa “video scandal” diumano ng mga kilalang personalidad na sina Gil Cuerva, Arron Villaflor, Nikko Natividad at Ron Angeles.


Habang walang malinaw na kumpirmasyon at nananatiling haka-haka ang lahat, mas lalong uminit ang issue dahil sa isang tila simpleng post, na para sa marami ay hindi raw basta “simple.”


Nag-upload kasi si Ron ng kanyang larawan na may caption na: “Relax lang kayo d’yan.”


Para sa ilang netizens, tila may laman ang mensahe. May mga nagkomento pa ng patutsada.


“Relax lang naman kami… may susunod pa ba ru’n? Okay baby. Next time, galingan natin, ha? Dapat, performance, level-up tayo.”


Ang iba nama’y mas diretso at hindi na nagpaliguy-ligoy pa sa comments, lalo na nang madawit ang pangalan ni Nikko. 


Isang netizen ang naglabas ng saloobin, “Hindi na talaga makapag-isip nang tama ang mga lalaki, lalo si Nikko, may asawa’t anak na, hays.”


Dahil dito, lalong nagliyab ang comment section. May kampo na nagsasabing baka overreaction lang ang lahat at wala namang dapat palakihin. 


Pero may iba ring nagtatanong — kung walang dapat ipag-alala, bakit tila may pa-“relax” statement pa? 


May alam ba siyang hindi pa alam ng publiko? O sadyang dedma lang sa mga bashers?

Habang nananatiling tahimik ang iba pang nadadawit na pangalan, mas lalong nagiging palaisipan ang lahat. Simple reassurance lang ba ang “Relax lang kayo dyan” o may mas malalim pang ibig sabihin na hindi pa nalalantad?





HINDI mapigilan ng mga netizens ang mag-react sa nakaraang episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition nang ibulalas ni Lella Ford ang kanyang matinding desisyon na zero vote kay Joaquin.


Sa eksklusibong interview sa PBB online segment, ipinaliwanag ni Lella kung bakit hindi niya binigyan ng kahit isang boto ang housemate. 


“Honestly, may rason talaga ako… hindi ko lang basta-basta ibinoto siya. Kailangan lang talaga maging honest sa sarili at sa mga kasamahan mo sa house,” ani Lella.

Dagdag pa niya, “Hindi ito laban sa kanya bilang tao, pero sa game, kailangan kong maging consistent sa prinsipyo ko. Kaya zero vote talaga.”


Marami ang nagulat at nag-react sa Twitter at Facebook sa bold move na ito ni Lella. May nagsabi na ito’y tanda ng “honesty over popularity,” samantalang may ilan namang nagtanong ng “Strategic move ba ito o may hidden feud?”


Samantala, si Joaquin ay nanatiling composed at ipinakita ang sportsmanship, “Okay lang, game is game. Respeto ko ang desisyon niya.”


Ang kontrobersiyal na pagboto ni Lella ay muling nagpainit sa chika sa social media at naging trending topic sa mga fans ng PBB


Dumagdag pa ang nakakatawa ngunit maintrigang photo na kumalat kung saan makikita si Joaquin na tila seryosong nakatingin sa ina ni Lella na si Karla Estrada. Agad itong ginawan ng memes at malisyosong captions ng mga netizens, lalo na’t alam ng lahat na hindi binigyan ng puntos ni Lella ang housemate.

Coincidence nga lang bang napatingin si Joaquin kay Karla o may mas malalim na tensiyon?


Ano naman kaya ang masasabi ni Angel Locsin na stepmom ni Joaquin tungkol dito? 


Anyway, sina Lella at Caprice Cayetano nga ang itinanghal na Big Winner ng PBBCCE 2 habang si Joaquin ay 3rd Big Placer lang. 

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page