top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

VIDEO NA NASINTUNADO SI JOLENS AT IKINOREK NI JULIE ANNE, NAG-VIRAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 18, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 18, 2023




“Ayan tuloy,” korus ng netizen sa tila pagpapatunay nilang may kani-kanyang panahon ang mga artista.


Marami kasi ang nag-react sa tinurang statement ni Melai Cantiveros tungkol sa titulong “Pop Icon” ni Jolina Magdangal, in defense sa same title na ibinigay kay Julie Anne San Jose for her The Voice Generations promo.


Para raw kasing may himig insulto ang pagkakadepensa ni Melai sa co-host niya na siyempre pa ay may kapakumbabaan namang in-acknowledge ni Jolens.


To cut the story short, bigla na nga lang nating nakitang binago ng The Voice Generations ang promo nila for Julie Anne bearing the new “Limitless Pop Star” title na.


Pero dahil panahon nga ngayon ni Julie Anne, her fans though hurt, accepted the change.


Hanggang sa tila may isa-isa nang naglalabasang performances posted via socmed ng parehong singer at naikukumpara ang dalawa mula boses hanggang sa ganda at achievements nila.


Ang nakakaloka, pati 'yung pagkanta ni Jolens sa isang event with Julie Anne ay pinagpipiyestahan. Sa naturang event kasi ay maririnig na may mga off keys si Jolens at sinasalo ito ni Julie Anne para maiwasto ang kanta.


Kaya sey ng mga netizens, “Ayan tuloy,” which brings us to asking, may dapat pa bang patunayan si Jolens na totoo namang sumikat noong 90’s?


Eh, ano naman sa mga tagapagtanggol niya kung ngayong henerasyon ay si Julie Anne ang kilala at achiever at puwede ring tawaging Pop Icon?


Nagkakagulo sa mga label-label na 'yan para lang sa promo, huh!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page