Search
  • BULGAR

Vice-Mayor ng Zamboanga Sibugay niratrat, patay; 2 sugatan

ni Lolet Abania | February 26, 2021




Patay ang bise-alkalde ng bayan ng Mabuhay, Zamboanga Sibugay habang dalawa ang sugatan matapos na pagbabarilin malapit sa municipal hall ng hindi nakilalang armadong lalaki ngayong Biyernes nang hapon.


Sa ulat ng pulisya, nag-uusap sina Vice-Mayor Restituto Calonge, Engr. Edgar Pampanga at Hdj. Abduhari Gapor sa Poblacion bandang alas-3:00 ng hapon nang pagbabarilin sila ng armadong salarin.


Ayon sa mga awtoridad, sunud-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ng gunman sa mga biktima gamit ang isang .45 caliber pistol na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Calonge.


Isinugod naman sa ospital sina Pampanga at Gapor na nagtamo ng maraming tama ng bala sa parte ng kanilang katawan.


Agad namang tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo matapos ang pamamaril.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng suspek.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.