Vice-Mayor at 8 pa, arestado sa mga illegal na baril
- BULGAR

- Oct 21, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | October 21, 2020

Arestado ang bise-alkalde ng Amadeo Cavite matapos makitaan ng mga baril na walang kaukulang dokumento.
Naghain ng 15 search warrant ang Cavite Police Provincial Office Intelligence Unit upang mapasok ang bahay ni Conrado Viado sa Barangay Maymangga.
Nakuha rito ang iba’t ibang bala at 21 baril tulad ng M-14 rifle, M-16 rifle, shotgun, caliber 30 Carbune, caliber 45, caliber 22 pistol at rifle, calibre 380 pistol at caliber 38 revolver.
Napag-alaman din ng Cavite PPO na high-value target si Viado at leader umano ng notoryus na Asiong group. Ito umano ay isang local criminal group na kaugnay sa gun-for-hire, land grabbing, extortion, gun running at ilan pang insidente ng pamamaril sa Cavite.
Kasamang naaresto ni Viado ang 8 pa nitong kasamahan na miyembro rin ng Asiong Group. Nahaharap ang 9 na suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.





Comments