top of page

Vice, aminadong hinuhuthutan lang talaga ang mga bakla

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 20, 2024



Showbiz news

Nagbigay ng saloobin ang TV host na si Vice Ganda sa segment ng It's Showtime na ‘EXpecially For You’ matapos mapasok sa usapan na ang ex boyfriend na si Ian ng searcher na si Rochelle ay dating pumatol sa best friend niyang bakla dahil sa pagbibigay nito ng regalo at pera.


Pagbabahagi ni Vice, kung hindi raw pala gusto ang natatanggap niyang mga regalo at nararamdamang hindi ito appropriate, puwedeng-puwede naman daw itong pigilan ng lalaki ngunit tinanggap niya rin ang mga gifts at pinili ito kesa sa relasyon nila ng searcher.


Sey ni Vice, “Ang dami naming mga bakla na nakakaranas ng ganyan. 'Yung ganyan — uhm, bibigyan kami ng pag-asa kahit simula't sapul ay wala lang din naman. “Hindi lang din naman dahil sa 'yung habol nila ay magandang relasyon namin sa kanila o 'yung magandang kaluluwa namin at 'yung puso.


Ang habol naman talaga, 'yung bagay na makukuha, 'yung mahuhuthot at 'yung masisipsip n'yo sa 'min,” dagdag nito.


“Pero 'yun ang masakit kasi kaming mga bakla, puwede n'yo kaming maging matalik na kaibigan. Puwede n'yo kaming maging seryosong karelasyon, puwede n'yo kaming kakampi, puwede n'yo kaming kabarkada, puwede n'yo kaming kagrupo — ‘di ba?


Pero hindi mangyayari 'yun kung ang intensiyon n'yo lang ay huthutan kami,” wika pa ng TV host.


Marami namang netizens ang humanga sa naging matapang na mensahe ni Vice lalo pa't maraming parte ng LGBT community ang nakakaranas nito. Sey pa ng madla sa litanya ni Vice: “This is so real.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page