top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Velasco, todo-depensa sa mga Makabayan Bloc, bakit kaya?!!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 12, 2020



Mainit na isyu pa rin ang akusasyon na miyembro ng kilusang komunista ang mga kongresista.


Inaaraw-araw ito sa social media ng mga dating kadre ng CPP-NPA-NDF.


Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


Hindi nagdalawang-isip si Speaker Lord Allan Velasco na idepensa ang Makabayan Bloc.


Pero, hindi nagustuhan ng mga supporters ni P-Duterte na DDS ang naging pagkampi ni Speaker Velasco sa red tagging sa Makabayan Bloc!


◘◘◘


Naniniwala ang mga DDS na malinaw umanong pagbalewala sa Pangulo at pangmamaliit sa kakayahan ng military sa pangangalap ng impormasyon laban sa CPP-NPA.


Sa YouTube Channel na Banat Balita ng DDS sinabi nito na ipinakikita lamang nitong wala nalalaman si Velasco sa tunay na isyu ng CPP-NPA!


◘◘◘


“Kung talagang kay P-Duterte ka, sumunod ka sa kumpas niya hindi naman sila mag-aakusa nang walang ebidensiya, sinasabi mong careless accusations si Gen Parlade, hindi sila careless, puno ng ebidensiya, hindi ka nanonood, wala kang internet?,” pagdidiin ng DDS sa social media.


“Sanay ka naman gumamit ng cellphone bakit hindi mo tinitignan. ‘Yung Makabayan bloc meron ebidensiya ang ating pamahalaan kaya wag ibahin ang usapan itigil ang pagtatanggol d’yan”.


◘◘◘


Malinaw na nagpasalamat sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Act Teachers Partylist Rep. France Castro kay Velasco sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanila sa red tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflct(NTF-ELCAC) Spokesperson Lt Gen Antonio Parlade.


Ayon sa Makabayan Bloc, naramdaman nilang protektado sila sa ginawa ni Velasco!


◘◘◘


“Lubos namin pinasasalamatan si Speaker Velasco. Yung ginagawa niyang pagtatanggol sa kanyang kasamahan lalo na siya ay Speaker, ngayon lang ako nakarinig ng Speaker na ganto,” nauna nang pahayag ni Castro.


Sa ipinalabas na statement ni Velasco sinabi nitong apektado siya sa ginagawang red-tagging ni Parlade sa House members!


◘◘◘


“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations”, pahayag ni Velasco kung saan sinabihan nito si Parlade na maging maingat sa kanyang pananalita laban sa mga House members.


“We may not not agree with them on certain issues but be mindful that these lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be


◘◘◘


Sinabi ng mga supporters ni P-Duterte na dalawa lamang ang nakikita nilang dahilan ng pagkampi ni Velasco sa Makabayan Bloc, una ay natatakot siyang banggain ang CPP-NPA dahil mayroong mga NPA sa distrito nito sa Marinduque o mapapakinabangan nya sa 2022 election ang mga ito.


Hinamon si Velasco na patunayan na malapit talaga siya kina P-Duterte at Sara Duterte sa pamamagitan ng pagdisiplina sa Makabayan bloc!


◘◘◘


“Sinasabi niyang close siya kay P-Duterte at Mayor Sarah pero hindi niya (Velasco) alam na ang mga Duterte mismo ang nagsabing may kaugnayan ang Makabayan Bloc sa CPP-NPA.


Matatandaang sa kontrobersiyal na Instagram post noong October 8, 2018 ni Mayor Sara ay tinawag nitong milking cow ng mga terorista ang partylist system kung saan tinawag nitong terrorists at liars ang Makabayan Bloc na dapat matangggal sa Kamara.

Noong 2016, sinabi ni P-Duterte na ilang partylist sa Kamara ay may kaugnayan sa CPP at nagpopondo sa armed wing nitong New People’s Army (NPA).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page