top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Velasco, patunayang magaling na leader, solusyunan agad ang isyu sa mga komunista

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 05, 2020



Nahaharap ngayon si Speaker Lord Allan Velasco sa unang pagsubok sa kanyang liderato sa Kamara ng mga Representante.

Hinahamon siya ng whistle blower na si Ka Eric na imbestigahan ang Makabayan Bloc na inakusahan niyang miyembro ng CPP-NPA-NDF!

◘◘◘

HINDI biro ang hamon itong dahil aminado at kumpirmadong dating aktibo kadre ng CPP-NPA-NDF si Ka Eric na ang tunay na pangalan ay Jeffrey Celis.

Lumantad si Ka Eric sa pagdinig ng Senado at ngayon naman ay napapagitna ang Kamara sa maselang akusasyon!

◘◘◘

KABILANG sa miyembro ng Makabayan Bloc na aktuwal na tinukoy ni Ka Eric sina Reps. Gaite, Cullamat, Zarate, Elago, Brosas at Castro.

“Speaker Lord Allan Velasco, I request, we request, let’s suspend the rules in Congress and we will face them—face to face without parliamentary restrictions, and let us speak to the nation through your Congress, through our Congress,” pagdidiin ni Celis sa Senado.

◘◘◘

INAKUSAHAN pa ni Ka Eric pa ni Celis ang naturang mga kongresista na ginagamit ang pera ng bayan para isulong ang kanilang mga adhikain na laban sa bayan at laban sa mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

“Hindi ko alam kung tama ako Speaker Velasco, Sir, every Congressman o Congresswoman tumatanggap ‘yan ng 68 million na budget every year. It is a budget for your consultants, office, sahod, at iba pa. And yet, we are paying them inside Congress to do nothing but to attack, malign, and subvert the authority of the government and bastardize the democratic institutions like the Congress that we have”, giit pa ni Celis.

◘◘◘

PAANO kaya mareresolba ni Speaker Velasco ang gusot na ito?

Tatanggapin ba niya ang paghamon o tatameme na lang?

◘◘◘

NAUNA rito, tandisang idinepensahan ni Velasco ang Makabayan Bloc mula sa sinasabing “red-tagging” ni Lieutenant General Antonio Parlade, Jr., tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Nanindigan pa si Velasco na hindi dapat bumabanat si Parlade laban sa Makabayan Bloc kung wala naman itong ebidensiya at kung meron man dapat dalhin niya ito sa korte at doon magreklamo!

◘◘◘

BINIGYAN-DIIN ni Velasco na responsibilidad daw niyang pangalagaan ang karapatan ng mga miyembro ng Kamara.

Huh, paano ‘yan — nakakalimutan na ba ni Velasco na mismong si P-Duterte ang nagtatag ng grupo ng NTF-ELCAC na kung saan kasapi si Lieutenant General Parlade?

◘◘◘

ALAM nating pinagmumura ni PRRD ang mga lider ng mga komunista.

Bakit idinedepensa ni Velasco?

Wala pang reaksiyon ang Malacañang sa maselang isyung ito partikular sa akusasyong miyembro ng CPP-NPA-NDF ang ilang kongresista!

◘◘◘

MARAMI ang naghihintay kung paano reresolbahin ni Velasco ang unang sakit ng ulo sa kanyang liderato.

Dito natin siya masusubok kung magagawa niyang tumulay sa nagliliyab na alambre gaya sa karnabal!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page