Van sumalpok sa nakaparadang truck, 6 todas
- BULGAR

- 23 hours ago
- 1 min read
by Mai Ancheta @News | September 2, 2026

Photo: PDRRMO Zamboanga del Sur
Anim ang patay habang may ilan ding sugatan matapos umanong bumangga ang passenger van sa wing van sa Dumalinao, Zamboanga del Sur.
Galing umano ang pampasaherong van sa Ipil, Zamboanga Sibugay nang sumalpok sa nakaparadang wing van.
Inaalam pa kung mayroong early warning device sa nakaparadang wing van, pati na rin ang kondisyon ng passenger van.
Nahirapan ang mga rescue team na maalis ang ilang pasahero ng van dahil sa matinding pagkakasalpok sa trak.





Comments