top of page

Valenzuela RTC, naka-lockdown

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28, 2020
  • 1 min read

ni Maeng Santos | June 28, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Photo: Source



Isinailalim sa temporary lockdown ang Valenzuela Regional Trial Court (RTC)-Bulwagang Pangkatarungan simula Hunyo 25 matapos matuklasang may ilang empleyadong maaaring positibo sa COVID-19.


Tatagal ang lockdown hanggang Hulyo 9, kung ang empleyado ng korte na sinasabing nagkaroon ng contact sa COVID-19 patient ay magpopositibo rin sa naturang sakit.


Agad namang ipagpapatuloy ang in-court proceedings at iba pang transaksiyon kung negatibo ang magiging resulta ng swab test, nakasaad sa memorandum na inisyu ni Executive Judge Maria Nena Santos.


Ayon din sa nasabing memorandum, sasailalim sa dalawang linggong self-quarantine ang mga hukom at kawani ng Valenzuela RTC.


Ang mga pagdinig at pag-raffle ng mga kaso ay ipagpapatuloy sa pamamagitan ng video conferencing.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page