top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Vaccination sa Valenzuela, kanselado dahil sa ulan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2021
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 25, 2021






Pansamantalang kinansela ang innoculatioin activities sa mga vaccination sites sa Valenzuela City ngayong Linggo dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.


Saad ng Valenzuela City local government unit, “Para sa kaligtasan ng mga Valenzuelano na naka-schedule na mabakunahan ngayong araw, July 25, 2021, CANCELLED muna ang lahat ng VACCINATION (1st dose at 2nd dose) sa LAHAT ng vaccination sites sa lungsod dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha.


“Mangyaring maghintay sa mga susunod na anunsiyo mula sa pamahalaang lokal ukol sa bagong schedule.” Samantala, inilikas na rin ang ibang residente ng lungsod at ayon sa LGU kaninang alas-10 nang umaga, nasa 241 pamilya na ang pansamantalang nananatili sa 13 evacuation sites ng Valenzuela City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page