top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Uuwi raw ng ‘Pinas… RUFFA, LABS PA RIN ANG PADIR NG 2 ANAK PERO TAKOT BALIKAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2021
3 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 16, 2021





Kinumpirma ni Ruffa Gutierrez na split na talaga sila ng French-Israeli boyfriend niyang si Jordan Mouyal.


Aniya sa post-Valentine’s Day tsikahan with the entertainment press kahapon, siya raw ang nag-decide na wakasan na ang kanilang pitong taong relasyon.


“I decided to end the relationship because I needed space and time to focus on my kids (Lorin and Venice) and my family. ‘Yun lang. But I wanna thank Jordan for always being kind, for being there, wala akong masasabi sa kanya, napakabuti niyang tao.


“I just need time to be alone now, so that’s why, imposible akong mag-jump into another relationship so quickly,” saad ni Ruffa.


Nilinaw niyang walang third party involved sa break-up at gusto lang daw niyang mag-focus sa mga anak at sa kanyang pamilya, especially sa magulang niya at sa mga dumarating na projects na talaga namang ipinagpapasalamat niya.


At dahil loveless ay wala siyang date nitong katatapos lang na Valentine's Day at busy daw siya't naghahakot sila sa bagong bahay na tinitirhan ngayon.


May tsika ngang bati na ulit sila ng Turkish ex-husband niya na si Yilmaz Bektas at mukhang reconciliation is in the offing.


Inamin naman ng aktres na talagang nagkakausap na sila lately ng kanyang dating asawa.


“Si Yilmaz, siya lang ‘yung lalaki na hanggang ngayon, iniiyakan ko pa rin,” pag-amin ni Ruffa.


Malalim daw ang naging pinagsamahan nila ni Yilmaz bukod sa nagkaroon sila ng 2 anak.


“In 7 to 9 yrs. na magkasama kami – nagpakasal kami, nagkaroon kami ng 2 anak, lumipat ako ng ibang bansa, iniwan ko ‘yung career ko, iniwan ko ‘yung pamilya ko, naghiwalay kami, ang daming ganap in those years.


“Siya ‘yung klaseng pain na gusto mo nang kalimutan at ibaon sa lupa na ayaw mo nang maramdaman. ‘Yung klaseng pain na ‘yun, kasi iniwan ko siya na mahal na mahal ko pa rin siya. Pero mas mahal ko ang sarili ko.


“‘Yun ang nangyari sa amin, eh. Hindi naman dahil nag-fall out of love ako sa kanya. It’s more of I had to learn how to love myself first,” she said.


Nagsimula daw silang mag-reconnect ni Yilmaz nang bigla itong tumawag habang nasa locked-in-taping siya ng Stay-In Love na serye niya sa TV5. Although in the past, tumatawag-tawag naman daw talaga ito once or twice a year.


“Minsan, nagiging mahaba at reminiscing ‘yung pag-uusap namin. Minsan, nag-aaway kami, nagsusumbatan kami, ganu’n ‘yung stage namin.


“Pero nu’ng naka-locked-in ako sa Stay-In Love, tumawag siya and ‘yun, parang pinag-usapan namin ‘yung mga bata, pinag-usapan namin ang past namin.


“The thing is every time I talk to Yilmaz, I always end up crying. The pain in my heart talaga, ganu’n kalalim,” she said.


Dagdag niya, “‘Yung itinatago kong pain nang ilang years na nakalimutan ko na siya, tuwing kausap ko siya, bumabalik ‘yung pain na ‘yun.”


Sa ngayon daw kasi ay parang na-realize ni Yilmaz that they’re not getting any younger at gusto raw nitong bumawi sa mga anak.


“Nare-realize niya that time is so precious, that we’re getting old na and he wants to spend time with the kids.


“So, sabi ko kay Yilmaz, ‘Let’s do step-by-step muna, let’s try to be co-parents to our children first,’” kuwento ni Ruffa.


Patuloy niya, “Kasi hanggang ngayon, ako raw ‘yung pinaka-greatest love niya. Siyempre, talagang mahirap akong kalimutan, ganu’n talaga ang life. Masarap kasi akong magmahal kaya talagang hindi ako makakalimutan, hello!” sabay-tawa.


Binabalak pumunta ng ‘Pinas ni Yilmaz sa June para bisitahin ang kanilang mga anak pero depende pa rin daw kung may pandemic pa. From there, tingnan daw natin kung ano ang puwedeng mangyari. But right now, hindi pa rin daw niya masabi ang possibility of reconciliation lalo pa nga’t may takot pa siya dahil sa pinagdaanan niyang buhay sa ex-husband.


Samantala, pagdating naman sa kanyang career ay masaya si Ruffa sa sunud-sunod na pagdating ng mga proyekto.


Katatapos lang niya ng Stay-In Love na incidentally ay ngayong gabi na ang finale episode sa TV5 at may bago raw siyang project na super-excited siya pero hindi pa puwedeng sabihin kung ano.


“Basta teleserye siya (her upcoming project), it’s a great project, all-star cast. I’m excited!” sambit ni Ruffa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page