top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Utos sa mga mayor — P-Du30.. Covid cases 'pag tumaas, lockdown agad

  • BULGAR
  • Dec 30, 2021
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | December 30, 2021







Ikinabahala na ng Malacañang ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


“Nagtatanong ang taumbayan, bakit tumataas [ang daily COVID-19 cases]? Dahil nakakalimutan ‘yung ‘iwas’. Ganu’n lang po kasimple ‘yan,” pahayag ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.


“So, dahil nga po doon hindi nakakapagtataka na tumataas ang bilang. Of course, nababahala kami. Nababahala ang IATF. Nababahala si Pangulo. Nababahala ang buong puwersa ng Malacañang, at dapat ang taumbayan din po,” diin ni Nograles.


Bunsod nito, sinabi ni Nograles na hiniling ng Palasyo sa local government units na agad na isailalim sa granular lockdown o small-scale lockdown ang isang lugar na may pagtaas ng kaso ng COVID-19.


“Kaya ang panawagan, LGUs, please enforce. ‘Pag may tumataas ang bilang ng kaso, granular lockdown. Hindi po nawala sa equation ang granular lockdown at responsibilidad po ng LGU na mag-granular lockdown kapag may nakita kayong clustering of cases,” saad ng opisyal.


Ito ay sa gitna ng ulat ng OCTA Research Group na tumaas ng limang porsyento ang positivity rate sa Metro Manila.


“Marami tayong nakikitang mga areas na nagsisiksikan ang mga tao, kahit naman naka-mask sila, kahit bakunado na, fully vaccinated pero nagsisiksikan pa rin, so naba-violate na naman po iyong isa sa apat,” diin nito. “’Wag nating sayangin ang lahat ng pinaghirapan po nating lahat,” dagdag pa ni Nograles.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page