Utos sa LGUs, establishments.. P1K ayuda, 10% discount sa solo parent, ibigay

ni BRT @News | August 3, 2023

Pinuna ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo ang maraming paglabag sa Solo Parent Act.
Sa kanyang unang privilege speech bilang mambabatas, ibinahagi ni Tulfo na marami pang mga lokal na pamahalaan ang hindi nagbibigay ng P1,000 sa mga kuwalipikadong solo parent.
Aniya, ang dahilan ng LGUs ay wala silang mapapaghugutan ng pondo para sa naturang ayuda.
Marami rin umanong mga negosyo ang hindi nagbibigay ng 10 porsyentong diskwento sa mga solo parent.
Gayundin, may mga LGU na salat sa kaalaman ukol sa mga probisyon ng batas.
Hiniling ni Tulfo na muling mabusisi ang batas para sa ganap na pagpapatupad nito at pagsunod ng mga kinauukulang ahensya at establisimyento.





Comments