Utol ni Daniel at stepson ni Angel… LELLA AT JOAQUIN, TODO-ENJOY SA BAKASYON SA SIQUIJOR
- BULGAR

- Apr 8
- 2 min read
ni Lucille Galon @Special Article | April 7, 2026

Photo: FB Wilfredo Fred
Ikinatuwa ng mga fans nina Lella Ford at Joaquin Arce – mas kilala bilang LelQuin – na makitang magkasama ang dalawa sa isang vacation trip sa Siquijor Island kamakailan.
Agad itong nag‑viral sa social media, at makikitang nag-e-enjoy sa beach at nag-e-explore sa isla ang younger sister ni Daniel Padilla at stepson ni Angel Locsin sa mister na si Neil Arce.
May mga snapshots na makikitang nag-stargazing, nag-selfie, at tila masayang-masaya ang dalawa habang magkatabi, na lalong nagpakilig sa mga LelQuin fans kaya nag-viral at trending topic sila sa social media.
Tanong ng mga netizens, friendly getaway lamang kaya ito o may nagaganap nang ‘something’ sa dalawa?
May mga comments na nag‑express ng suporta at excitement, habang may ilan din ang nag‑joke tungkol sa kanilang “off‑cam romance.”
“LelQuin talaga. Nakaka‑heart flutters.”
“Friendly getaway lang kaya o may secret romance na?”
“Grabe, nakikita mo na lang silang magkasama, panibagong OTP na naman.”
Hindi bagong trip spot ang Siquijor sa mga celebrities. Kilala ang isla sa magagandang beaches, waterfalls at chill vibe. Perfect daw ito para sa “private getaway” kung gusto mong tumakas sa gulo ng social media at city life.
Wala pang official statement mula kina Lella Ford at Joaquin Arce, kaya hanggang ngayon, ang mga netizens ay all-eyes on them habang pinag-uusapan kung ano talaga ang status ng kanilang relasyon.
Todo-bakasyon kasama si Kathryn…
MAYOR MARK, KINALAMPAG SA MADILIM NA KALSADA SA LUCENA
UMABOT sa social media ang panawagan ng isang residente ng Lucena City para kay Mayor Mark Alcala, kasunod ng mga kontrobersiyal na usapin sa online platforms nitong mga nakaraang araw.
Sa video na kumalat sa social media, ipinakita ng residente ang isang madilim na kalsada sa lungsod at nanawagan na tugunan ng lokal na pamahalaan ang kawalan ng maayos na streetlights at iba pang problema sa imprastraktura sa tuwing sumasapit ang gabi.
Makikita sa video na delikado para sa mga motorista ang lumalalang sitwasyon sa mga lansangan.
Dahil sa reklamo ng concerned citizen, na-bash si Mayor Mark lalo’t nitong Semana Santa lang ay may kumalat na picture na magka-holding hands sila ng rumored girlfriend niyang si Kathryn Bernardo habang pababa ng escalator sa isang mall sa Thailand.
May ilang netizens ang nagpahayag ng pag‑aalala na tila mas inuuna umano ni Mayor Alcala ang kanyang pakikipagrelasyon kaysa sa serbisyo publiko.
Ilan sa mga komentong nabasa namin…
“Wala, ‘Beh. ‘Andu’n sa piling ni Kath (Kathryn Bernardo). Baka ‘yun ang iniilawan.”
“Lol, mas inuna pa kasi mag-travel.”
“Hoy, nakabakasyon pa si Mayor. Konting respect naman.”
Hanggang ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Mayor Alcala o ni Kathryn Bernardo tungkol sa estado ng kanilang relasyon o sa mga panawagang ipinapaabot ng mga taga‑Lucena.
Gayunpaman, nananatiling mainit ang diskusyon sa social media at lokal na komunidad habang inaasahan ng marami ang mga susunod na hakbang mula sa alkalde at sa kanyang administrasyon.
Sa ngayon, nakauwi na ng Pilipinas si Mayor Mark Alcala galing Thailand dahil namataan itong dumalo sa isinagawang flag ceremony sa Lucena City kahapon.





Comments