Utak sa pagpatay sa Koreano sa loob ng Camp Crame... EX-PNP official Dumlao, arestado
- BULGAR

- Jun 10
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 10, 2026

Photo: Circulated
Matapos ang ilang taong pagtatago sa batas, tuluyang nadakip ng pulisya ang dating police official na itinuturong utak sa pagpatay sa isang South Korean businessman sa loob mismo ng Camp Crame sa Quezon City.
Sa pulong balitaan, kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pagkakadakip kay ex-Police Lt. Col. Rafael Dumlao sa pinagtataguang bahay nito sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City pasado alas-5 ng madaling-araw nitong Martes.
Ayon kay Remulla, natutulog si Dumlao nang pasukin ang kuwarto nito ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) kung saan hindi na ito nakapalag pa.
Tatlong linggo umano siyang isinailalim sa surveillance bago tuluyang nadakip.
Nahaharap si Dumlao sa mga kasong kidnapping with homicide, kidnapping and serious illegal detention, at carnapping kaugnay sa pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-joo noong 2016 sa loob ng Camp Crame sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg nito ng lubid sa loob ng sasakyan.
Kalauna'y sinunog ang katawan nito at itinapon ang abo sa inidoro.
Matatandaang dinukot si Jee ng ilang pulis sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 18, 2016 sa ilalim ng umano’y anti-drug operation.





Comments