top of page

US, nakisali na sa Israel vs. Iran... Mga Pinoy, delikado — Imee

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 23, 2025



File Photo: Sen. Imee Marcos - FB


Ikinabahala ni Senador Imee Marcos ang pagsali ng Amerika hinggil sa sigalot sa pagitan ng Israel at Iran na mas nagdagdag ng pandaigdigang peligro.


Ginawa ni Imee ang reaksyon matapos ang naging pagsalakay ng Amerika sa tatlong nuclear sites ng Iran kabilang na ang Fordow, Natanz, at Isfahan.


"Labis ang pag-aalala nating lahat para sa kaligtasan ng ating mga kababayang naiipit sa digmaan," wika ng senadora.


"Isa pang epekto nito ay sa langis, na siguradong may mabigat na implikasyon sa ekonomiya ng bansa; sa agrikultura, transportasyon, pabrika, pagawaan at iba pa."


"Gaya ng lagi kong paninindigan, KAPAYAPAAN higit sa lahat. Magsilbi nawa itong panawagan sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na gawing prayoridad ang kaligtasan ng bawat Pilipino roon," saad pa niya.


Kumakatok din siya sa pamahalaan para sa isang matibay na aksyon at plano sa problema ng langis at magiging kabuhayan ng mga magbabalik-bayan.


Matatandaang umugong ang posibilidad na tumaas ang pamasahe sa mga pampublikong transportasyon kasunod ng pagsipa ng presyo ng petrolyo dahil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page