top of page

UP Lady Maroons, sakalam, sokpa sa Final 4 kontra UE Red Warriors

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 7, 2022
  • 1 min read

ni VA - @Sports | November 7, 2022



ree

Pinalakas ng University of the Philippines ang kanilang tsansa na makausad sa Final 4 round ng UAAP Season 85 women's basketball tournament matapos ang 35-puntos na paggapi sa University of the East, 67-32, kahapon sa UST Quadricentennial Pavilion.

Dahil sa panalo, gumitna ang Fighting Maroons sa standings sa pag-angat nila sa markang 4-6.


Mula sa kanilang 21-9 na panimulang bentahe, tuluyang lumayo ang UP sa third canto nang palobohin nila ang kanilang lamang sa 50-24, pagkaraang limitahan sa limang puntos lamang ang UE.

Sa kabila ng naitalang malaking panalo, naniniwala si UP head coach Paul Ramos na kasing halaga rin ito ng iba pa nilang naunang panalo.

"For me, at this point in our tournament, a win is still a win for us -- whether it's two points or as you have noticed in our previous game, one point lang, natalo kami so, regardless of how many points yung spread, the win is the most important aspect sa'min right now. We're really trying to make the most of the remaining games," ani Ramos.


Pinangunahan ni dating UAAP Rookie of the Year Justine Domingo ang naturang tagumpay ng UP sa itinala nitong 15 puntos, 5 rebounds, 2 assists, steals, at isang block.

Nanguna sa winless (0-10) pa ring Lady Warriors sina Kamba Kone at Claire Sajol na may tig-walong puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page