top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Uod, babala na pababagsakin ng kaaway

BULGAR
Jun 29, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 29, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Pampanga.


Dear Maestra,


Kolum n’yo ang una kong binabasa tuwing bumibili ako ng BULGAR. Madalas akong gumising nang maaga para makabili ng dyaryo at hindi ako maubusan. Gusto kong ipaanalisa sa inyo ang panaginip ko.


Napanaginipan ko na namimitas ako ng cherries. Enjoy na enjoy ako sa pamimitas at maya-maya ay nakakita ako ng uod sa mga pinitas kong cherries.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Norma


Sa iyo, Norma,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na namimitas ka ng cherries ay pagkabigo sa pag-ibig. Mabibigo ka sa pagmamahal na inaasam-asam mo dahil sa iyong karelasyon.


Samantala, ang uod naman sa panaginip mo ay nagpapahiwatig na dapat kang mag-ingat sa mga lihim mong kaaway na labis na naiinggit sa iyo dahil gagawin nila ang lahat para pabagsakin ka.


Gamitin mo ang iyong isipan at talasan mo ang iyong pakiramdam.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page