Unified curfew sa Metro Manila, mula 8 pm hanggang 5 am
- BULGAR

- Aug 19, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 19, 2020

Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mas mahigpit na general community quarantine (GCQ) ang ipapatupad sa Metro Manila simula ngayong araw.
Magkakaroon ng unified curfew mula 8:00 pm hanggang 5:00 am. Ito ang napagkasunduan ng Metro Manila mayors matapos na isailalim muli sa GCQ, ayon sa Malacanang.
Kahit balik-serbisyo ang railway transits tulad ng PNR, LRT1, LRT2 at MRT3 at mga land transport gaya ng public utility vehicles (PUV) na UV express units, taxis, buses, modern at traditional jeepneys na mayroon lamang nakatakdang ruta, ipatutupad ang mas mahigpit na health protocols, ayon kay Roque.
Gayundin, dapat may suot na face masks, face shields at patuloy ang pagpapatupad ng social distancing. May dala ring quarantine passes lalo sa lugar na naka-lockdown.





Comments