Umiyak at tumawa ang beybi ng kapitbahay, babala na magkakagulo sa pamilya
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 16, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Pasig.
Dear Maestra,
Matagal ko nang gustong magpaanalisa ng panaginip, kaya lang, masyado akong busy sa pang-araw-araw kong pinagkakakitaan. Sa ngayon ay medyo nakakaluwag-luwag na ako at hindi na masyadong pagod.
Napanaginipan ko na iyak nang iyak ang baby ng kapitbahay namin. Maya-maya ay bigla na lamang tawa nang tawa. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Lourdes
Sa iyo, Lourdes,
Una sa lahat, binabati kita ng isang mapagpalang araw at nawa’y ligtas ka sa anumang uri ng kapahamakan pati na ang mga mahal mo sa buhay.
Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay may nagbabantang gulo sa pamilya mo.
May susulpot na problema, kaya ihanda mo na ang iyong sarili at maging kalmado ka. Huwag mong daanin sa init ng ulo ang pagresolba sa mga problema. Ang sabi mo ay tumawa ‘yung baby sa panaginip mo pagkatapos umiyak. Nangangahulugan ito na malaki ang maitutulong ng matalik mong kaibigan sa mga problemang dinaranas mo sa kasalukuyan. Ipagtapat mo sa kanya ang iyong problema dahil nakahanda siyang tulungan ka. Huwag kang masyadong malungkot dahil alalahanin mo, ang lahat ng problema ay may kalutasan. Nand’yan ang Diyos na palaging nakatunghay at nakaalalay. Huwag kang makakalimot magdasal. Ididikta Niya sa iyo ang dapat gawin sa pagsubok na dinaranas mo. Gayundin, Ididikta Niya ang tamang tao na makatutulong sa paglutas mo ng mga problema at ‘yan ay ang matalik mong kaibigan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments