Umaming nainlab sa dating ka-love team… MAINE, WALA NA RAW CAREER, GINAGAMIT LANG SI ALDEN PARA MAG-INGAY
- BULGAR

- Aug 28
- 4 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 28, 2025

Photo: Maine Mendoza-Atayde - TVJ
May mga nag-agree sa naging sagot ni Alden Richards hinggil sa reaksiyon nito sa naging rebelasyon ni Maine Mendoza na na-in love siya sa ka-love team noon.
Wala na nga rin namang saysay na magsalita pa ito sa isang lumang isyu at posibleng napag-usapan na nga nila ni Maine dati pa ang bagay na ito.
Besides, nabuwag naman na ang AlDub na kapwa naman nila napakinabangan sa kung ano’ng meron sila ngayon.
Pero para sa ibang mga ‘delulu’ na AlDub fans, mas lumabas daw na user o manggagamit talaga si Alden dahil sa hindi nito napanindigan ang noo’y mga pronouncement nito sa ka-tandem.
“He took us for a ride. Sayang lang ang oras, pera at trust na ibinigay namin sa kanya,” hirit pa ng mga ito.
On the other side of the coin, ‘ika nga, may mga nagtatanggol naman kay Alden at sinabing mukhang si Maine itong nanggagamit pa rin sa lumang isyu.
“Kumpara kay Alden, ano ba ang masasabing career ni Maine sa showbiz maliban sa hosting job n’ya sa Eat…Bulaga! (EB!)? Sino ba ang nangangailangan kanino?” pagtataray ng mga maka-Alden.
Kaya tama lang daw na hindi na dapat magbigay ng kahit ano pang komento si Alden Richards sa mga ibinahagi ni Maine Mendoza dahil gaya ng ibang ganap sa showbiz, ‘has been’ na ang AlDub at dapat nang ilagay sa baul.
MISMONG si Eric Quizon ang nag-post ng pasasalamat kay Lea Salonga sa tinuran nito ukol sa yumaong amang si Tito Dolphy, kaugnay ng National Artist (NA) honors.
Naging grateful nga si Eric kay Lea dahil sa tinuran nitong bago pa man daw siya i-push na maging NA ay dapat na mauna muna si Tito Dolphy.
Sa mga nagdaang panawagan kasi para kay Lea na hirangin itong NA ay may mga reaksiyon nga ng pasasalamat ang international star. Isa na nga riyan ang pahayag nito na sana ay unahin muna ang mga nauna sa kanya, gaya ni Comedy King Dolphy.
Uulitin po namin ang nalalaman naming proseso tungkol sa NA. Una, tuwing ikatlong taon po ito ipinagkakaloob sa isang artist (mula sa iba’t ibang klase ng sining at kultura, gaya ng broadcast, film, theater, music, dance, architecture, literature, etc..) na dapat saklawin ng National Commission for Culture and the Arts of the Philippines (NCCA), Cultural Center of the Philippines (CCP) at Malacañang, under the Office of the President.
Second, dapat na may tao o grupo ng mga indibidwal o organisasyon na mag-nominate sa partikular na artist na gusto nilang isulong o hirangin. Again, base pa rin po sa mga criteria at requirement na itinatakda ng NCCA.
Ikatlo, kapag po naipasa na ang nominasyon sa itinakdang oras at panahon, sasailalim po ito sa mga magkakaibang phase o level ng pagsusuri, pag-aanalisa, pagbeberipika hanggang sa pagkakaroon ng mga deliberasyon sa mga pros at cons ng nominees.
Ang mga deliberasyon po ay nahahati pa sa magkakaibang antas dahil pawang mga eksperto sa bawat field ang uupong jury member, kasama na ang mga nabubuhay na National Artist awardees na isasali sa diskurso.
Then, kapag may mga napili na po ay isusumite ito ng NCCA sa opisina ng Pangulo sa Malacañang na siyang may last say sa mga nominado.
Under the law, ang Pangulo ang pipirma, mag-aapruba o posibleng magdagdag o magtanggal ng mga nasa listahan na.
Napakahaba pong proseso ito at hindi uso rito ‘yung mga kudaan lang ng mga fans at supporters at saloobin nila nang hindi dumadaan sa tamang proseso at mga requirements.
Alam sigurado ni Lea Salonga ang mga bagay na ‘yan. Sa aming nalalaman, noon pa may mga grupo na nag-nominate kay Tito Dolphy. Sadyang sa mga deliberasyon at iba’t ibang “phase” na inaabot ng kanyang nominasyon ay may mga kulang o hinahanap marahil o sadyang may hindi nami-meet na requirement ang Comedy King.
Kung ang Comedy King Dolphy nga ay hindi pa ito nakukumpleto ‘ika nga, how much more si Lea Salonga na kapos pa sa tinatawag na kontribusyon niya sa sining at kultura ng bansa?
KAHIT hindi kayo batang ‘90s ay sure kaming mae-enjoy ninyo ang napanood naming Netflix movie na One Hit Wonder (OHW) na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Khalil Ramos.
Nakakaengganyo itong panoorin if only for the great music of the ‘90s na bumagay sa daloy ng love story ng mga bida.
Kapwa magaling sina Sue at Khalil kahit noong una ay hindi namin inakalang puwede naman palang magka-love team. Malalim mag-emote si Khalil habang may very expressive eyes talaga si Sue na madali mong maunawaan ang mga emosyon.
Kasama nila sa movie sina Gladys Reyes, Lilet, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta (ang husay-husay du’n sa eksenang namatay), Matt Lozano, Victor Medina at si Vivoree Esclito.
Ito na yata ‘yung movie na nag-cameo appearance ang napakaraming mga kilalang musicians na sumikat noong ‘90s namely: Barbie Almalbis, Dong Abay, Jeffrey Hidalgo, Mark Escueta, Francis Reyes, Ito Rapadas, Jay Durias, Cookie Chua, Skarlett Brown, Markki Stroem, plus sina Dingdong Avanzado, Alex Calleja, Donna Cariaga, Mel Martinez, Ron Macapagal, Louise Alivio, Alwyn Uytingco, Eric Nicolas at Jackie Lou Blanco.
May iba pang mga namumukhaan naming bandista o mga nasa music scene noong ‘90s na nag-skip sa memory namin ang mga names. Hahahaha!
Direktor at writer nito si Marla Ancheta na halatang batang ‘90s.
Ang tindi ng recall ng mga ilang classic songs na ginamit sa movie, na kayo na lang ang mag-enumerate dahil sure kaming alam na alam ninyo. Hahaha!








Comments