top of page

Umamin sa interbyu… JUDAY, INISNAB NG MAGKA-LOVE TEAM, NAPIKON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 30, 2025



Photo: Judy Ann Agoncillo - IG


Sa Showbiz Update (SU) nina Ogie Diaz at Mama Loi ay napag-usapan nila ang pag-snub umano ng isang love team sa mahusay na aktres na si Judy Ann Santos.

Sa isang panayam, nabanggit ni Juday na may bagets love team na umisnab sa kanya.


Sa pag-uusap ng dalawang hosts, sinabi ni Mama Ogs na kailangan daw talaga ay nagbibigay-respeto ang mga kabataan sa senior artists.


Aniya, “Nakakapikon talaga ‘yun. Seniority wise kasi ‘yan, eh. 


“Dapat magbigay-pugay ka. Hindi porke’t sikat ka, ikaw ‘yung lalapitan ng beteranang aktres, beteranong aktor kasi mas sikat ka kesa sa kanila. Hindi. Dinaanan din nila ‘yan.”


Dagdag pa ni Mama Ogs, “Kaya tama si Juday doon, nakakapikon talaga ‘yun, pramis. Tignan mo si Juday, para isa-isahin n’ya ‘yan? Para mag-statement s’ya ng ganyan?”

Tama nga naman ang sinabi ni Mama Ogs.


Ang mga young artists kasi, nalulunod agad sa isang basong tubig dahil feeling nila ay sikat na sikat, though wala pa naman silang naiaambag sa industriya.

Kaya lang naman sila sumisikat, hindi dahil sa kanilang craft kundi dahil sa mga fans na tumataguyod sa kanila.



WALANG pag-amin, pero ngayon ay usap-usapang break na umano ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.


Ang sitsit ay dahil may nakakita umano kay Barbie na may kasamang ibang aktor.


Sa vlog ng Showbiz Update (SU) ay ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang nalalamang rumors tungkol kina Richard at Barbie.


Noon sa panayam sa aktor, sinabi niyang hindi si Barbie ang dahilan kaya nasira ang pagsasama nilang mag-asawa ni Sarah Lahbati. Though wala naman siyang pag-amin na sila na ng aktres.


Maging si Barbie ay tikom ang bibig na may relasyon sila ng Incognito actor. Kumbaga, naging very private ang kanilang relasyon, as in.

Sa isang panayam naman kay Ruffa Gutierrez, sister ni Richard, ay natanong ito sa Barbie-Richard relationship, if they are still together?

Ani Ruffa, “I don’t know. Isa pa ‘yon… minsan bumpy, minsan okey. Naguguluhan na ako sa kanila!”


Kamakailan, sa video ni Ogie, nag-react siya sa rumors surrounding the relationship of the celebrity couple and had revelations nang may makakita umano sa aktres na kasama si Marco Gumabao.


Sa video ay makikitang kumakain ang aktor at aktres sa isang restaurant, and the one who took the video can be heard in the background saying they are a couple.


Hindi naman inayunan ni Ogie ang narinig, aniya sina Barbie at Richard are still together.


Aniya pa, sina Barbie at Marco ay mag-pinsan at very close sa isa’t isa.

Maraming beses na nga raw na nakikitang magkasama ang dalawa bago pa kumalat ang video nilang kumakain sa restaurant.


Esplika ni Ogie, “Sila ay magkamag-anak at very, very close sila.”


“Si Barbie Imperial ay pamangkin sa pinsan nitong si Marco dahil pinsan ni Barbie Imperial ang nanay ni Marco.”


Dapat nga raw ay kasama nina Barbie at Marco si Richard, kaya lang pagod na raw ito sa work at nasa finale presscon ng Incognito.

Ayan, siguro naman, matatahimik na ang mga may makakating dila sa isyung ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page