top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Umakyat ng hagdan at humina ang ilaw ng dalang lampara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 6, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tiffany ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Isa ako sa maraming tagasubaybay ng column ninyo at ito ang una kong binabasa kapag bumibili ako ng BULGAR.


Gusto kong magpaanalisa sa inyo ng aking panaginip. Napanaginipan ko na umakyat ako sa hagdan hanggang marating ko ang dulo, tapos may hawak akong lampara habang umaakyat dahil madilim sa lugar na ‘yun. Biglang humina ang ilaw ng lamparang dala ko pagdating sa dulo. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,


Tiffany


Sa iyo, Tiffany,


Ang panaginip mo na umaakyat ka sa hagdan at narating mo ang dulo ay nagpapahiwatig ng masaganang pamumuhay sa darating na mga araw sa larangan ng pag-ibig. Kung may negosyo ka, tagumpay sa negosyo ang ibig sabihin nito. Ibig sabihin, yayaman ka at titingalain sa lipunang iyong ginagalawan.


Samantala, ang sabi mo ay may dala kang lampara habang umaakyat sa hagdan at humina ang ilaw nito pagdating sa dulo, ito ay nangangahulugan na sa kabila ng iyong tagumpay, hindi ka pa rin kuntento at maligaya, at parang may kulang at hindi mo maintindihan.


Sa kabilang dako, buti na lang at hindi namatay ang ilaw ng lamparang dala mo. Ang ibig sabihin kasi nito ay matatagalan bago mo makamit ang katuparan ng iyong mga pangarap.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page