Ugnayan ng ‘Pinas at Saudi, palalawakin
- BULGAR

- Jul 14
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 14, 2026

Photo: File / NY TImes
Ang ugnayan ng Saudi Arabia at Pilipinas ay hindi lamang nakasentro sa paggawa at remittances kundi sa tiwala, pagtutulungan, at ambag ng mga Pilipino sa pag-unlad ng Kaharian.
Sa panayam sa Okaz, sinabi ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman at President ng JACCG Holdings, Inc., na dapat palawakin ang relasyon tungo sa pamumuhunan, serbisyo, food security, enerhiya, at human capital development sa ilalim ng Saudi Vision 2030.
Aniya, pagkakataon ito para maging higit pa ang Pilipinas sa pinagmumulan ng mga manggagawa at maging katuwang sa lumalawak na sektor ng turismo, renewable energy, healthcare, logistics, digital services, at advanced technologies.
“Mayroon na tayong tiwala sa isa't isa. Ang susunod na hakbang ay gawing kongkretong mga proyekto ang tiwalang iyon, mga proyektong kapwa maipagmamalaki at mapakikinabangan ng Saudi Arabia at Pilipinas,” ani Goitia.





Comments