Ugali ng tao, buking sa kanyang paglalakad
- BULGAR

- Sep 21, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 21, 2020

Sinasabi ika nga na ‘actions speak louder than words’ at isa na nga sa iuugnay nating bagay na iyan ay ang paraan ng iyong paglalakad.
“Maging ikaw man ay parang robot na maglakad, nagsu-swing ang mga kamay o padausdos na lumakad, sa paraan ng iyong paglalakad, ay isang madaling impresyon sa iyong kasalubong o sa sinumang makakakita sa iyo bago ka pa man na magsalita,”ani body language expert Bonnie Hughes.
Diskubrehin anuman ang iyong sinasabi sa mundong ito sa paraan ng iyong paglalakad ay piliin lamang ang pagkakakilanlan sa ibaba na siyang may kaugnayan sa iyong personalidad. Baka magulat ka anuman ang maisasaad nito hinggil sa iyo.
PATINGKAYAD. Ang paglalakad na akala mo may spring ang paa ay indikasyon ng magandang kalusugan at may masayang disposisyon sa buhay. Higit na atraktibo ang ibang tao sa iyo dahil sa iyong likas na abilidad na pataasin ang espiritu ng iyong pagiging positibong mga pananaw sa buhay.
KUMAKAMPAY PA ANG MGA KAMAY – Ang pagkampay ng mga kamay habang naglalakad ay indikasyon ng paghingi ng atensiyon habang gusto niyang masolo ang isang espasyo. Ang mga taong hindi gumagalaw ang kamay habang naglalakad ay mahiyain at takot na makapamahiya ng iba.
NAKALAHAD ANG PALAD. Kung papalapit ka sa ibang tao na nakatalikod ang mga palad, indikasyon ito ng iyong mahiyaing personalidad. Pero kung nakalahad at parang sumesenyas ng stop ang mga palad, mapagkontrol ka sa ibang tao.
KUNG PARANG KUBA NA MAGLAKAD. Kapag medyo bagsak ang balikat, mababa ang tingin ng mga mata at mabagal na maglakad ibig sabihin nito ay insecure ka. Pero kung ang iyong balikat ay nakadiretso at nakatingala ang ulo, sobra kang kumpiyansa.
HITSURA NG MGA KAMAY. Kapag ang iyong hinlalaki ay nakatago sa iyong kamay o nakakuyom ito ay indikasyon ito ng kahinaan. Ang mga nerbiyosong tao ay laging nakapamulsa ang mga kamay o habang ang hinlalaki ay nakasabit sa sinturon ay sobra siyang stress.
MABILIS NA PAGLALAKAD. Ang paglalakad ng mabilis ibig sabihin, ikaw ay sobrang agresibong tao, mabilis na mag-isip, pero sa kabilang banda may indikasyon din na anuman ang iyong ginagawa ay hindi mo natatapos kahit nakapagsimula ka na.
NAKALIYAD ANG DIBDIB. Ikaw maaari ang taong gustong magpa-impress sa mga kababaihan o kaya naman ay magpalaki ng dibdib sa harap ng kalalakihan. Naglalakad ka sa isang silid na parang isang nagmalalaking tigre ito’y para magmukha kang malaki at matipuno.
MAINGAY NA PAGLALAKAD. Ang paglalakad na nauuna ang tunog ng takong ng sapatos ay parang nagmamadali ka sa iyong buhay. Ang mabagal at alinlangan na mga hakbang ay indikasyon na ikaw ay maalalahanin na tao na laging may malasakit sa iba.
PAREHO KAYO NG HAKBANG NI SWEETIE. Napapansin mo ba minsan na kapag magkasabay kayo ng sweetheart mo ay halos pareho kayo ng galaw ng mga kamay at paa? Ito ay indikasyon ng isang solidong ugnayan. Ang mag-sweetheart na hindi ganito ay maaring may tulay pang naghahati sa kanilang samahan.








Comments