Tuwang-tuwa sa ipinakitang manoy ng actor… VICE, INUNANG PANOORIN ANG MOVIE NI PAULO KESA KAY VHONG
- BULGAR

- Dec 28, 2020
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 28, 2020

This year, supporter lang si Vice Ganda ng MMFF bilang wala siyang entry. Dapat sana ay may entry siya, ang Praybeyt Benjamin3, pero hindi na ito umabot sa deadline dahil na rin sa mga safety protocols na kailangang ipatupad sa shooting.
Matatandaang since 2012 ay taun-taong may entry si Vice sa MMFF at ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi siya nakasama. Taun-taon ay blockbuster din ang kanyang entry at kadalasa’y nangunguna sa takilya.
Kaya naman aminado ang Unkabogable Star na na-miss niya ang MMFF. Sa kanyang tweet last Christmas Day, aniya ay kalmado lang siya ngayon pero nakaka-miss din daw.
“Dec. 25, 2020 Walang MMFF first day kaba and ngarag. Walang cinema tours. Walang mall tours. Walang kaliwa’t kanan na texts and calls from VIVA and Star Cinema kung magkano na ang gross every after screening hours. Tahimik lang. Kalmado lang. Ibang-iba. Kaka-miss din,” tweet ni Vice.
Kaya tagapanood na lang muna siya this year at kahapon ay nag-tweet siyang napanood na niya ang Fan Girl.
“Btw congratz sa FAN GIRL!!! Pinanood ko siya bago mavorlog. Ang ganda! Ang galing ni @mepauloavelino!!! (Bukod sa may papwet at pa-ulo ng ninja turtle!) Charlie Dizon is gold! Congrats po Direk @tonetjadaone!!! Mang Kepweng is next. Let’s support MMFF2020,” ang tweet ni Vice.





Comments