top of page

Tumatakbong senador… WILLIE AT IPE, BUGBOG-SARADO SA PANLALAIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 12, 2025



Photo: Willie Revillame at Ipe Salvador - FB Wil To Win-Mr. Ipektibo


Among the showbiz celebs na bugbog-sarado sa kantiyaw at panlalait sa kampanya ay sina Willie Revillame at Phillip Salvador.


Kaya naman, medyo kami’y nagtaka kung bakit hindi sila nagparamdam at all sa showbiz media para hingan nila ng suporta at tulong. Or baka iniisip din nilang wala silang kakampi mula rito?


May mga nagtatanong din kung bakit si Coco Martin ay hindi masyadong naging aktibo sa party list ni Brian Llamanzares (anak ni Sen. Grace Poe) na FPJ gayung para kay Lito Lapid ay todo-suporta ito?


At ano na raw ang nangyari sa Ang Probinsyano Party List na sa kanya unang na-associate dahil si Papa Piolo Pascual na nga ang endorser nito?

Iba pa ‘yun sa Probinsyano Ako Party List na ine-endorse naman nina Kim Chiu at Matt Evans, huh!


Mukha namang natuluyan ang pananahimik ni Cristine Reyes sa pagkampanya kay Marco Gumabao dahil tila mas ginusto nito ang makasama sa grupo nina Zeus Collins, Kid Yambao, Ella Cruz, Juliana Parizkova, Julian Trono, Nikko Natividad at McCoy de Leon para kay Sen. Imee Marcos.


Opposite ni Cristine si Yassi Pressman na halos ginawang Cubao-Quiapo ang Manila-Camarines Sur para sa lovey-dovey nitong si Luigi Villafuerte.


Magdyowa, kahit super in love sa isa't isa…

JANINE AT ECHO, KANI-KANYANG PARTYLIST


Araw ngayon ng paghuhusga para sa mga gustong maging lingkod bayan. Mula sa mga senador hanggang sa mga lokal na opisyal sa bawat probinsya at bayan, boboto ang madla ng mga lider na muli nating pagtitiwalaan.


Rambulan ang mga kilalang kandidato na mula sa mundo ng showbiz dahil ultimo ang mga kapwa nila celebrities ay nag-eengganyo sa mga tao na huwag iboto ang isang sikat lamang at napapanood sa TV.


Ang ilan nga sa mga very vocal na gumagawa niyan ay sina Meme Vice Ganda, Ivana Alawi, Jhong Hilario, Janine Gutierrez, Kim Chiu, Agot Isidro, Iza Calzado, at iba pang dati na ring nag-iingay kapag may political exercises.


Habang given na ang endorsement ng iba na siyempre ay alam nating binayaran ang serbisyo o hindi kaya naman ‘associated’ sa isinusulong nilang partido o kandidato.


Nandiyan ang mga gaya nina Mega Sharon Cuneta, Papa Piolo Pascual, Coco Martin, Donny Pangilinan, Maja Salvador, Alex Gonzaga, Yassi Pressman, Jericho Rosales, Jake Ejercito at ilan pang kilalang vloggers o socmed (social media) influencers.


Naloka nga lang kami doon sa mga netizens na nagtatanong kung ang mga naturan bang celebrities ay bumoboto o nakarehistro man lang?


Malalaman natin iyan ngayong araw at sana nga ay mag-post sila sa kanilang mga socmed accounts ng kanilang ginawang pagboto upang ipakita naman sa kanilang mga followers/subscribers na hindi lang din sila puro kuda o kolekta ng talent fee (TF) nila.


SPEAKING of Janine at Jericho na alam naman nating super duper inlabey sa isa’t isa ngayon, tila may magkaiba silang sinusuportahang party list base sa kanilang mga socmed (social media) post.


Si Echo ay alam nating spokesperson ng Ako Bicol habang si Janine naman ay hayagan ang pagsuporta sa Akbayan Party List ni Chel Diokno.


Meanwhile, si Alex Gonzaga ay bigla ring naging endorser ng Uswag Ilonggo gayung noong nakaraan yata ay ibang partido ang inendorso nito.


At dahil asawa nga siya ni Mikee Morada na tumatakbo sa Batangas, all-out support nga siya sa lahat ng importanteng sorties nito kasama pa ang buong pamilya niya mula kina Daddy Bonoy at Mommy Pinty hanggang kina Toni at Paul. Hindi naman siguro sila lilipat ng lugar mula Taytay, Rizal papuntang Batangas, ‘noh?



BASTA kami, bukod sa mga personal naming choices sa mga senatoriables na pinaghalu-halo ang mga progresibo, makabago at mga may napatunayan na sa public service, kinilala rin namin ang mga kandidato namin sa Antipolo City.


At siyempre pa, hayagan din ang aming pagsuporta sa aming dearest idol-friend kumareng Vilma Santos-Recto sa lalawigan ng Batangas at mga anak niyang sina Luis Manzano (vice-governor) at Ryan Christian (congressman para sa District 6). 


Mabuti na lamang at ang mga kamag-anak at mga kaibigan namin sa mga lugar ng Mataas na Kahoy, Sto. Tomas, Lipa City, Batangas City, Calaca, Nasugbu at San

Nicolas ay solido ring sumusuporta sa kanila. 


O, ‘di ba at inianunsiyo ko talaga rito ang mga angkan ng Nabus, Velez, Rivera,

Castillo, Austria, Abina, Chavez, at mga naging kaangkan din nila.


Maraming SALAMAT po at mabuhay tayong lahat! Be safe po tayo sa ating pagboto!


Коментарі


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page