top of page
Pokwang.jpg

Tulong para sa mga biktima ng bagyo, maitawid sana nang maayos

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2020
1 min read

@Editorial | November 3, 2020


Tinatayang aabot sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng pinsalang iniwan ng Super Typhoon Rolly sa sektor ng agrikultura.


Kaugnay nito, 20,000 magsasaka ang apektado matapos mawasak kanilang mga pananim.


Kaya nakatakdang magbigay ng tulong ang gobyerno sa mga apektado sa pamamagitan ng ipamamahaging 133,326 bags ng rice seeds at 17,545 bags ng corn seeds na nakaposisyon na sa mga apektadong rehiyon.


Inihahanda na rin umano ang tulong para naman sa mga apektadong livestock at poultry owners, ganundin sa mga apektadong mangingisda.


Samantala, sinimulan na rin kahapon ang ang delivery ng mga relief goods sa ilang lugar na labis na naapektuhan ni ‘Rolly’.


Kasabay ng paghahatid ng tulong, ang pakiusap ng mga awtoridad ay maihatid sana ito nang maayos at mapigilan ang anumang banta ng karahasan na lingid naman sa kalaman ng lahat na ilang beses na ring nangyari tuwing may ganitong operasyon.


Ang babala ng Philippine National Police (PNP) partikular sa New People’s Army (NPA) ay huwag guluhin ang mga rescue at relief operations ng pulis at militar.


Sa halip na maghasik ng karahasan, hinihimok ang mga rebelde na makipagtulungan nalang sa mga awtoridad para sa kapakanan ng mga komunidad na lubhang naapektuhan ng bagyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page