Tulong, para sa ABS-CBN na lang daw… MARK, UMAMING WALANG TALENT FEE SA SERYE NI COCO

ni Vinia VIvar @Frankly | September 30, 2026

Photo: FB Mark Lapid
Nilinaw ni Mark Lapid na hindi totoo ang mga naglalabasang balita na matatapos na ang Sigabo ni Coco Martin.
Kasama ang aktor-pulitiko sa naturang teleserye at nagulat din daw sila sa tsismis na tatapusin na agad ito. Aniya ay matagal pa raw ang airing nito at marami pang mga bagong characters na papasok.
Nakausap namin ang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) kahapon sa lunch tsikahan with the entertainment press.
Pagdating naman kay Coco, eight to ten years na rin daw ang pagkakaibigan nila na nagsimula sa FPJ’s Ang Probinsyano to FPJ’s Batang Quiapo at ngayon sa Sigabo.
“Parang magkapatid na kami ni Coco. ‘Yun naman, since we started in Ang Probinsyano, ‘di ba? So, nagtutulungan kami. There are things na nagtutulungan kami, not being as an actor, ‘di na ‘yun, but ‘yung tulungan namin, malasakit namin, I think, pare-parehas lang, sa industriya.
“That’s why, nu’ng kinausap n’ya kami to join him in Ang Probinsyano pa lang, when we started, kami ni erpats, ‘di lang naman ‘yung papel namin ang ginagampanan namin, but including sa different scenes na kaya naming tumulong, mapagaan ang isang eksena, especially on the action side, tumutulong kami.
“We don’t ask for any payment for that. Tulong lang kami. Hanggang ngayon, tumutulong kami,” pahayag ni Mark.
Nilinaw ng press sa kanya kung may talent fee (TF) ba siya sa Sigabo ngayon at aniya ay wala dahil tumutulong lang talaga sila.
“For Sigabo, wala. Sa Probinsyano, we earned, we were paid. For Batang Quiapo, we helped,” aniya.
Ginagawa rin daw nila ito para tulungan ang ABS-CBN na alam naman ng lahat na dumadaan pa rin hanggang ngayon sa krisis.
When asked kung parte ba sila ng production or nag-invest ba sila sa Sigabo, aniya ay hindi naman at tumutulong lang talaga.
Samantala, ang isa raw talaga sa mga nagustuhan nila kay Coco ay ang disiplina nito sa trabaho. Nami-misinterpret lang daw ito minsan dahil na rin sa pagka-strict nito.
“I think what’s nice about Coco is his passion to help a lot of people in the industry. Pati ‘yung mga manggagawa.
“Minsan kasi, nami-misunderstood s’ya because of his strictness when it comes to work. Kasi, kahit ako rin naman, I agree with that na parang ito ang trabahong ibinigay sa ‘tin, pagbutihan natin, ‘wag nating paglaruan.
“Talagang strict s’ya. I mean, talagang professional, ‘yun lang ang masasabi ko. The enthusiasm, passion for the job, for the work, is talagang nand’yan.
“So minsan, kahit delikado na, ginagawa pa rin n’ya kasi kailangan,” sey niya.
Kahit abala si Mark Lapid sa trabaho niya bilang COO ng TIEZA, may oras pa rin siya for taping tuwing weekend simply because passion niya ang pag-arte, bilang ito na rin ang kinalakihan niyang mundo dahil sa ama niyang si Lito Lapid.





Comments