top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

SIGAW NG LOLO: FUTURE NI DENIECE, GUSTONG SIRAIN NI VHONG

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 30, 2026



TEKA NGA - SIGAW NG LOLO FUTURE NI DENIECE, GUSTONG SIRAIN NI VHONG-FB Vhong Navarro & Rod w Deniece Cornejo

Photo: FB Vhong Navarro & Rod w Deniece Cornejo



Marami ang nagulat sa balitang malapit nang makalaya sina Deniece Cornejo at Cedric Lee, na nahatulan sa kasong isinampa ni Vhong Navarro kaugnay ng insidente ng illegal detention.


Dalawang taon pa lamang silang nakakulong noong 2024, kaya hindi pa sila basta makalalaya kahit umapela na sila sa Court of Appeals (CA).


Sa desisyon ng CA, ibinaba ang hatol mula sa serious illegal detention for ransom sa grave coercion, dahilan para mabawasan ang taon ng kanilang sentensiya.

Ganunpaman, may iba pang sentensiyang kailangan nilang isilbi kaya hindi pa tuluyang nakumpirma ang kanilang agarang paglaya.


Samantala, sinabi ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga na patuloy nilang gagawin ang mga legal na hakbang na maaari nilang gawin kaugnay ng desisyon ng korte.


Kung anuman ang mangyari, handa naman daw si Vhong sa magiging resulta at nananatili siyang nagtitiwala sa proseso ng batas.


Samantala, ibinahagi ng mismong lolo ni Deniece na si Rod Cornejo na matagal na raw napatawad ng kanyang apo si Vhong.


Ani Rod, “I cannot help, Lord. Bahala ka na. I forgave Vhong Navarro for what he has done. I forgave his allies, his fellow bashers.”


Ayon pa kay Rod, matindi ang paghihirap na pinagdaanan ni Deniece sa loob ng kulungan. Dahil dito, masaya na sana siya dahil malapit nang makalaya ang kanyang apo ngunit napurnada ito.


Aniya, “They really want to destroy her, ‘yun ang nakikita ko. It’s not just justice, they really want to destroy the future of a young woman.”





Pati venue ng pre-wedding dinner, mala-M’cañang daw… BAYANI AT MISIS, PINUNTAHAN ANG SIMBAHAN NA DAPAT PAGKAKASALAN NINA BEA AT VINCENT



Dahil kasal na rin naman sina Bea Alonzo at Vincent Co, nagawa na ni Bayani Agbayani na magkuwento ng ilang detalye tungkol sa naudlot na kasalan sa Spain.


Sa guesting ni Bayani sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), sinabi niyang nasa Spain na sila ng misis niyang si Lenlen noong May 1. Plano nilang mag-ikut-ikot at mamasyal muna sa Madrid, Barcelona at Portugal bago ang wedding day. Nakasama raw sila dahil ang anak nilang si Thalia ay asawa ni James, na kapatid ni Bea Alonzo.


Pero noong nasa Spain na sila ay ibinalita ng kanilang anak na hindi na raw tuloy ang kasalan. 


Ganunpaman, naisipan pa rin daw nina Bayani at Lenlen na puntahan ang venue ng pre-wedding dinner na napakalaki at mala-Malacañang ang hitsura.


Noong mismong May 15, na dapat ay araw ng kasal, nagpunta rin sila sa simbahan kung saan dapat gaganapin ang wedding na napakaganda raw.


Hindi man natuloy ang kasalan, nag-enjoy naman sina Bayani at Lenlen sa pamamasyal at hindi nasayang ang kanilang biyahe.


Samantala, natanong din ni Boy Abunda si Bayani tungkol sa kanyang pagpasok sa political arena. Kinumpirma nito na tatakbo siya sa 2028 elections. Gusto niyang mabigyan ng boses at karapatan ang mga working students dahil isa siya noon sa kanila bago napadpad sa showbiz.





Kathryn, tinalbugan daw… 

KAILA, KITA NA KUYUKOT SA SUOT NA PANTY



HINDI maiwasang ikumpara ng mga fans si Kaila Estrada kay Kathryn Bernardo dahil sa kanyang pagrampa sa katatapos na Bench Fashion Show, kung saan nakasuot siya ng sexy sporty outfit.


Pantapat daw ito ni Kaila sa sexy pictorial ni Kathryn, kung saan nakasuot ang huli ng underwear habang nakababa ang kanyang denim pants.


Nang rumampa naman si Kaila sa Bench Fashion Show, halos kita na ang kuyukot. Kaya marami ang nagsasabing kinabog daw ni Kaila si Kathryn at tinawag itong “Reyna sa Rampahan.”


Well, magkakaiba naman ang standard ng sexiness sa mata ng kalalakihan. May ilang nagsasabing mas daring pa rin si Kathryn, pero may ilan naman na gusto ang appeal ng kuyukot ni Kaila.


Ano’ng sey kaya rito ni Daniel Padilla?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page