top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied

Tulog, pinasok ng construction worker sa bahay... Edad 66 at 79, pinagtataga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 21 hours ago
  • 1 min read

by Levi Gonzales @News | September 1, 2026



Tulog, pinasok ng construction worker sa bahay... Edad 66 at 79, pinagtataga

Photo: File



Sugatan ang dalawang retiradong guro matapos pagtatagain ng 29-anyos na kalugar sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal.


Kinilala ang mga biktima na sina alyas Rogelia, 66, at Virginia, 79, kapwa retiradong guro at residente ng nasabing lugar.


Ayon sa imbestigasyon, armado ng bolo ang suspek na si "Yamashuki," 29, construction worker nang sapilitang pumasok sa bahay at pagtatagain ang dalawang biktima na noo'y natutulog sa sala.


Nakalabas at nakahingi ng tulong sa kapitbahay si "Rogelia" matapos ang insidente. Agad na naisugod sa pagamutan ang dalawa habang nakatakas naman ang suspek.

Posible umanong may kaugnayan ang insidente sa naunang alitan ng suspek at mga biktima kung saan nahuli umano ni "Rogelia" ang lalaki na kumukuha ng mga pananim na gulay na pag-aari ni "Virginia".


Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek at mahaharap sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page