Tulay tumagilid, 9 nahulog sa ilog

by Mervin Reyes @News | November 23, 2026

Photo: Zabali Bridge sa Baler, Aurora - Baler Municipal Tourism Office / Facebook
Siyam sa 17 kataong nasa Zabali Bridge sa Baler, Aurora ang nahulog sa Kinalapan River matapos kumalas ang isang kable at tumagilid ang tulay noong Nobyembre 20.
Ayon sa Baler Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nawalan ng balanse ang mga taong kumukuha ng litrato nang biglang tumagilid ang tulay.
Kabilang sa mga nahulog ang isang 19-anyos na estudyante mula Nueva Ecija na nagtamo ng mga galos at pananakit ng balakang. Wala namang naitalang malubhang pinsala.
Nilinaw ng MDRRMO na hindi gumuho ang tulay kundi kumalas lamang ang kable sa isang gilid nito.
Pansamantalang isinara ang tulay sa utos ni Mayor Rhett Ronan Angara habang hinihintay ang inspeksiyon at pagsusuri sa pinsala nito.





Comments