Tuguegarao City, sasailalim sa 10-day lockdown
- BULGAR

- Aug 26, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 26, 2020

Inanunisyo ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao na sasailalim ang kanilang lugar sa 10 araw na modified enhanced community quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Mayor Jefferson Soriano, ito ay napagdesisyunan matapos hingan ng rekomendasyon ang iba’t ibang lider. Ito ay dahil umabot sa 41 araw COVID-free ang Tuguegarao at biglang tumaas ang bilang ng kaso sa 26.
Sa 26 na active case, 9 rito ay mula sa police station. Kaya naman pati ang kanilang police station ay naka-lockdown.
Ang MECQ sa kanilang lugar ay matatapos sa September 4. Dagdag pa ni Soriano, ito lamang ang paraan upang maiwasan at mapahinto ang pagkalat ng virus sa kanilang lugar. Agad din itong inaprubahan ng regional IATF ang pagsasailalim ng Tuguegarao sa MECQ ng 10 araw.
Kuwento pa ni Soriano, nagsimulang kumalat ang virus sa pagdiriwang ng fiesta. Nag-umpisa aniya ito sa isang bahay at agad ng kumalat.
Nagtalaga na rin sila ng COVID Shield control pass sa mga vendor, frontliner, employee at residente para malimitahan ang paglabas ng mga tao.
Bukod pa rito, suspendido rin ang public transportation sa lugar ngunit, ayon kay Soriano, pinapayagan ang backriding kung magkasama sa iisang bahay ang rider at angkas.
Suspendido rin ang dine-in services sa mga restaurant ngunit papayagan ang food delivery ng 24/7.
Magkakaroon din ng curfew hours ang munisipalidad. Ito ay 9:00pm hanggang 4:00 am para sa mga residenteng edad 21 pababa at hindi naman papayagan lumabas ang mga may edad 60 pataas.
Pansamantala ring ipapatigil ang pagtanggap sa mga locally stranded individual.





Comments