top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tsugi sa TV5, banned na sa ABS-CBN, 'di makabalik…MAJA, BAGONG CO-HOST NI WILLIE SA GAME SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 6, 2021




Magiging co-host daw ni Willie Revillame si Maja Salvador sa Wowowin. Gaano kaya katotoo ang tsikang ito?


Lalong umiinit ang mga sitsit na talagang lilipat daw ang former Kapamilya actress sa Kapuso after na mawala ang programa nilang Sunday Noontime Live sa TV5.


Ayon sa isang reliable source, totoong lilipat ng GMA-7 si Maja (o nakalipat na?).


Since na lumayas daw kasi ang aktres sa dati niyang home studio ay banned ito.


Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang kampo ni Maja o ng GMA-7 sa bagay na ito. Espekulasyon naman ng mga netizens, kung totoo ngang nasa Kapuso na ang aktres ay malaki ang kinalaman ni Mr. M. (Johnny Manahan) dito.


Nu’ng ineengganyo raw kasi ni Willie na lumipat sa kanyang programa si Mr. M, baka raw ipinush nitong kuhanin ni Kuya Wil bilang isa sa kanyang mga co-hosts si Maja.


Anyway, regarding kay Kuya Wil, hanggang ngayon ay maraming nambubuyo sa mahusay na TV host na pasukin ang pulitika.


Paulit-ulit namang sinasabi ni Kuya Wil, “Hindi ko naiisip ‘yan. Nag-i-enjoy ako sa buhay ko at sa show ko.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page