Triple carry over sa 1st WTA
- BULGAR

- Feb 7, 2021
- 2 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 7, 2021
Dikdikan ang laban ng bawat kalahok sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System (PRBHS) sa triple carry over ng Winner Take All (WTA) ngayong hapon sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Bukod dito magaganap din ang Pick 5 ,6 event kasama ang Pick 4 sa 12 karera na magsisimula dakong ala-1:00 ng hapon ngayong linggo.
Magaganap ang 1st WTA sa Race 3 hanggang Race 9 na carry over ng P2,517,484.22, bukod pa sa 2nd WTA na magsisimula sa Race 6 hanggang race 12. Ihahandog din ng Manila Jockey Club Inc., (MJCI) ang tatlong Pick 6 at Pick 5. Ang 1st Pick 6 ay mag-uumpisa sa Race 1 hanggang Rrace 6, ang 2nd Pick 6 ay magaganap sa Race 5 hanggang Race 10 at ang 3rd Pick 6 ay magaganap sa Race 7 hanggang Race 12.
Samantala unang matutunghayan ang Pick 5 sa Race 2 hanggang Race 6, ang 2nd Pick 5 ay magaganap sa Race 4 hanggang Race 8, at ang 3rd Pick 5 ay magaganap sa race 8 hanggang Race 12.
Sa Race 1 napipisil ko ang Sorority Girl (1) maaaring tumalo ang Isa Pa Isa Pa (6), Proof It at Warrior Heart (10), habang sa Race 2 ang Gee Song (9) at Mahilig (3).
Sa Race 3 nakalalamang ang Bulletproof (4) subukan ang Himpapawid (13), sa Race 4 pinipili ang IN I GO (1), Carravaggio (9) at Gonzee’s Bet (12). Sa Race 5 nakalalamang ang Chinita (12) at magiging kalaban ang Fantastic Matty (13), sa Race 6 Batang Dragon (7), Diwalwal (5) Alezzandro (1).
Sa Race 7 nakalalamang ang San Rafael (11) panegunda ang Trust Worthy (13), sa Race 8 nakalalamang ang ICON (13) at makakalaban ang More Or Less (11) isama ang Blazing Bullet (5).
Sa Race 9 nakalalamang ang Mark of Distinction (8) subukan ang Universe (14) at huwag kaligtaan ang Refuse To Lose (9), sa Race 10 pinapatok ko ang Bebang (4).
Sa Race 11 My Dad Bogart (1) magandang dehado No Regret /Tit For Tat at Westeros baka gumawa ng sorpresa sa kalaban, sa Race 12 patok ang In The Zone.




Comments