Trillanes, balak sampahan ng ethics complaint si Sen. Bato
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 23, 2026

Photo: Bato Dela Rosa at Sonny Trillanes - FB
Maghahain umano si dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV ng ethics complaint laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng hindi nito pagpasok sa Senado ilang buwan na ang nakalipas.
“We will be filing an ethics case against him kase tuluy-tuloy ‘yung ano, ang pagpondo ng gobyerno sa kanyang opisina pero without any reason ay hindi siya pumapasok,” ani Trillanes sa isang pahayag.
Kaugnay nito, iginiit naman ni Senate President Tito Sotto na maaaring magsampa ng reklamo ang sinuman laban sa kahit sinong senador at ipoproseso ito ng Senado alinsunod sa mga umiiral na patakaran.
Mahigit dalawang buwan nang hindi pumapasok ang senador kasunod ng ulat na mayroong arrest warrant laban sa kanya mula sa International Criminal Court (ICC).








Comments