Trike driver na wanted sa rape, tiklo sa sementeryo

ni Maeng Santos @News | November 3, 2026

Photo: File
Huli ang tricycle driver na wanted sa kaso ng panggagahasa sa ikinasang manhunt operation sa loob ng isang sementeryo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na dumalaw sa kanyang yumaong kamag-anak ang 50-anyos na akusado sa Sangandaan Public Cemetery sa Brgy. 4.
Agad nagkasa ang mga operatiba ng Caloocan Police Warrant and Subpoena Section ng operasyon hanggang sa tuluyang masukol ang akusado sa nasabing sementeryo ala-1:30 ng hapon.
Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape na inisyu ng Presiding Judge ng Family Court, Branch 4, Malabon City, noong October 28, 2026, na walang inirekomendang piyansa.





Comments